Ilang araw na lang ay patapos na ang pasukan ng mga mag-aaral sa ilang paaralan sa lungsod, hudyat nang papalapit na pagsisimula ng araw ng ...
Simula na rin ito ng bakasyun ng ilang mga mamamayan kasabay ng pagdaraos ng mahal na araw o semana santa.
Kamakailan lang ay inilad ng Lucena PNP ang kanilang puspusang paghahanda para sa darating na bakasyon o ang programa nila na tinatawag na Oplan Summer Vacation o Oplan SumVac.
Ayon kay Deputy Chief of Police, PCInsp. Marcelito Platino, nagsasagawa na sila ng iba’t ibang paghahanda hindi lang para sa summer season kundi maging sa mga aktibidades na gaganapin sa lungsod sa mga susunod na buwan.
Dahil kasabay ng papalapit ng mahal na araw ay ang pag-uwi rin ng mga mamamayan sa kanilang probinsya, isa sa nakatakdang siguraduhin ang kaayusang ng Lucena PNP ay ang mga sasakayang daraan sa ilang mga kalsada sa Lucena.
Gayundin ang diversion road, Grand central terminal at Philippine Ports Authority sa bahagi ng Brgy. Dalahican na daanan ng mga bakasyunista papuntang Marinduque.
Dagdag pa ni Platino, susubaybay din sila sa ilang mga tourist beaches sa Brgy. Talao-talao at Brgy. Dalahican na inaasahang dadagsain ng mga turista na nagnanais na maligo dito.
Katuwang ang Philippine Coast Guard, Lucena Disaster Risk Reduction and Management Council at mga pamunuang barangay ay titiyakin nila ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa di inaasahang pagkalunod, pagkahilo at iba pa.
Partikular na tututukan din ng kapulisan ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan laban sa mga mamamayang magsasamantala ng pagbabakasyon ng mga naninirahan sa mga tahanan, upang gumawa ng masasamang Gawain tulad ng pagnanakaw at pag-akyat bahay.
Matapos ang semana santa ay ilang mga aktibidades din sa lungsod na nakatakdang isagawa ang kinakailangan ng seguridad mula sa Lucena PNP, kabilang na dito ang Flores de Mayo sa buwan ng Mayo at ang pagdiriwang ng kapistahan ng lungsod, ang Pasayahan sa Lucena.
Ayon pa kay Platino, magiging katuwang sila ng lokal na pamahalaan maging ang mga sangguniang barangay sa pagsisiguro ng katiwasayan sa pagdaraos ng Santacruzan maging sa isang linggong pagdiriwang ng Pasayahan.
Sa tulong rin ng Traffic Enforcement Section at BFP Lucena ay babantayan nila ang kaayusan ng itatayong tiangge sa ilang kalsada sa poblacion.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa kakbangin ng kapulisan upang matiyak ng seguridad ng publiko at mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad. (PIO-Lucena/M.A.Minor)