Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MAYOR DONDON ALCALA, NAMAHAGI NG BAGONG KAGAMITAN PANG-OPESINA SA NBI LUCENA

Upang mas maging mabilis at kombinyente ang proseso ng pagkuha ng mga aplikante ng nbi clearance, kamakailan ay pinagkalooban ni mayor dondo...

Upang mas maging mabilis at kombinyente ang proseso ng pagkuha ng mga aplikante ng nbi clearance, kamakailan ay pinagkalooban ni mayor dondon alcala ang tanggapan ng national bureau of investigation-lucena ng mga bagong kagamitan pang-opesina.

Ang nbi clearance ay isang mahalagang government id na kinakailangan ng lahat ng mga kumpanya bago tanggapin ang sino man sa trabaho. Ito kasi ang patunay na walang kasaysayan ng krimen ang isang aplikante.

Kaya naman ganoon nalamang ang pasasalamat ni dominador villanueva iii, agent –in-charge ng nbi lucena sa punong lungsod na si mayor dondon alcala dahil sa pagkakaloob nito ng mga karagdagang kagamitan para sa kanilang ahensiya.

Tiyak raw kasi na magagamit nila ang mga bagong desktop computers at printers upang mas maging madali at maganda ang kanilang serbisyo sa daan-daang aplikanteng kanilang pinag-lilingkuran sa araw-araw.

Bago kasi makakuha ng nbi clearance, dapat munang magparehistro ang isang aplikante sa kanilang website ngunit may pagkakataon umanong dumudulog sa kanilang tanggapan ang aplikante upang mag pa-assist sa pagreregister online.

Dahil naman sa mga karagdagng mono block chairs,visitor’s chairs, cctv hard drive at large canopy tent na ipinagkaloob rin sa nbi lucena, bukod sa mas mabilis na pagproproseso ng nbi clearance, mas magiging kombinyente na rin ang pagpila ng mga aplikante na naghihintay na sumailalim sa biometrics lalo na’t mula pa sa iba’t-ibang bayan at munisipalidad ang mga ito.

Nangako naman si mayor dondon alcala na patuloy na susuportahan ang nbi lucena upang makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo sa publiko. (PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.