Upang mamonitor ang kalalagayan ng mga kabataan sa kanilang lugar at malaman kung ang mga ito ba ay kulang sa nutrition o gaano na kabigat. ...
Kaya naman kamakailan ay nagsagawa ng Pagtitimbang ang mga tauhan ng BHW sa Barangay Mayao Crossing.
dito ay nagbahay bahay ang mga ito sa Purok Langka I at Purok Mangga I kasama si kagawad Froilan Dudas Abaña at ito naman ay sa atas na rin ng kanilang Punong Barangay Zosimo Macaraig.
layunin ng pagsasagawa ng nasabing aktibadad ay upang mapangalagaan ang mga kabataan at masubaybayan ang timbang.
ganoon din ay tiningnan rin ang taas at binnigyan ang mga ito ng vitamin A para sa kanilang kalusugan.
naging matagumpay naman ang pagsasagawa ng pagtitimbang na ito ng bhw at asahan sa mga susunod ng araw naman sila ay dadako sa ilang lugar o purok sa kanilang barangay.
patuloy pa rin ang sangguniang barangay ng mayao crossing sa pagsasagawa ng mga programa may kinalaman sa pangkalusugan sapagakat ang ninanais lamang nila ay maging malusog ang bawat mga kabataan sa kanilang lugar.
na ito rin ang ninanais ng pamahalaan panlungsod sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Roderick "Dondon" Alcala. (PIO-Lucena/J.Maceda)