Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

MGA MAG-AARAL NG DALUBHASAAN NG LUNGSOD NG LUCENA, NAPAGKALOOBAN NG EDUCATION SUBSIDY NG CHED UNIFAST

Bagamat isa ang edukayon sa mga bagay na napakahalaga sa buhay ng isang tao, marami pa ring mga mamamayan na salat pagdating sa pinansyal na...

Bagamat isa ang edukayon sa mga bagay na napakahalaga sa buhay ng isang tao, marami pa ring mga mamamayan na salat pagdating sa pinansyal na aspeto ang nahihirapang makamit ito partikular na pagdating sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

Ang simpleng tulong mula sa lokal na pamahalaan ay isang malaking tulong nang maituturing para sa mga mag-aaral na mayroong pagsisikap at kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral.

Sa kasalukuyan, ang pamahalaang panlungsod ng Lucena sa pangunguna ng punong lungsod nito na si Honorable Roderick “Dondon” Alcala ay nagkakaloob ng libreng pag-aaral ng kolehiyo sa mga kabataang Lucenahin sa pamamagitan ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena.

Libreng tuition fee, miscellaneous fee, allowance at maging mga kagastusan pagdating ng pagtatapos sa pag-aaral ng isang mag-aaral ay buong-pusong tinustusan at pinagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

At isa nga ito sa ipinagmamalaki ng alkalde na aniya’y isa sa pinakamagandang programa ng pamahalaang panlungsod para sa mga Lucenahin.

Lagi ko nga pong pinagmamalaki sa 39 municipality at 2 city, an gating lungsod ang mayroong isa sa napakagandang dll, yung dati libreg pag aaral lang. sa dlll libre tuition libre allowance pati sa garaduation sagot na din at pagkagraduate ang priority ng mga business establishments ay dll graduates. Kaya naman po ang bilin lang po naming sa inyo ay mag aral kayo ng mabuti, yan lang po ang hihilingin naming.

Kaugnay nito, bukod sa tulong pinansyal na ipinagkakaloob ng pamahalaang lokal, masayang ibinalita rin ni Mayor Dondon Alcala sa mga mag-aaral ng DLL, mga magulang ng mga ito, mga guro at kawani ng naturang paaralan ang pagkakaloob ng Commission on Higher Education o CHED ng tertiary education subsidy sa Dalubhasaan ng lungsod ng Lucena.

Dumalo rin at nagbigay ng mensahe sa mga mag-aaral, sa nasabing aktibidad ang ilang miyembro ng konseho kabilang sina Konsehal Nick Pedro, Konsehal Vic Paulo, Konsehala Sunshine Abcede-LLaga, aspiring councillors na sina Engr. Jose Christian Ona, Benny “Baste” Brizuela at Danny Faller.

Ayon kay konsehal Vic Paulo, napakapalad ng mga kabataang Lucenahin dahil maraming programa ang ipinapatupad ng pamahalaang panlungsod para sa kanila at ngayon nga’y kasama na din ang ayuda mula sa national level.

Bagay na sinang-ayunan naman ni Konsehala Sunshine Abcede-Llaga. Aniya, hindi lahat ay nabibigyan ng oportunidad na makapag-aral ng libre kung kaya’t pinaalalahan nito ang mga estudyante na mag-aral ng mabuti at bigyan ng pagpapahalaga ang oportunidad na ibinahagi sa kanila at gamitin nila ito upang maging maunlad pagdating ng panahon.

Gayundin ay dumalo dito ang dating congressman ng ikalawang distrito na si Hon. Irvin Alcala na siyang naging representante ni dating Congressman at secretary ng Department of Agriculture Hon. Procy Alcala.

Taus-pusong nagpasalamat din ang punong lungsod sa dekana ng DLL na si Dra, Mercedita Torres para sa pagsusumikap nito na makasama ang DLL sa mga kolehiyo at unibersidad na magiging benepisyaryo ng CHED katuwang ang Unified Student Financial Assistance System para sa Tertiary Education (UniFAST).

Nagpapapsalamt din po ako kay dean torres ta sa mga empleyado ng dll dahil iilan lang po ang nag qualified sa quezon para po dito sa ating unifast project, isa na dito ay ang slsu at isang paaralan sa mauban at ang DLL. Parang dadaan sa butas ng karayom sa dami g docu at interviews na ipinaa at dinaanan. So ibig sabihin lag po nito, ito poa n kagndahan nito.

Matatandaang ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon sa pamamagitan ng UniFAST ay nag-utos sa lahat ng mga Higher Education Institutions na magsumite ng mga listahan ng kanilang mga mag-aaral na kabilang sa mga mahihirap na pamilya na maaaring maging karapat-dapat para sa mga benepisyo sa Subsidy ng Tertiary Education.

Ang Tertiary Education Subsidy (TES) ay isa sa pangunahing programa sa ilalim ng Republic Act No. 10931 na kilala rin bilang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay isang grant-in-aid na nagbibigay ng pagpopondo para sa lahat ng mga estudyanteng Pilipino mula sa mga poorest-of-the-poor na sambahayan na nakatala sa publiko at pribadong institusyon. (PIO-Lucena/M.A.Minor)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.