Kamakailan ay ipinagkalooban ng financial assistant ng pamahalaan panlungsod ang mga kabataang lucenahin na maglalaro sa Batang Pinoy...
Kamakailan ay ipinagkalooban ng financial assistant ng pamahalaan panlungsod ang mga kabataang lucenahin na maglalaro sa Batang Pinoy 2019 Luzon Leg na gaganapin sa Isabela.
Isinagawa ang naturang aktibidad na ito sa Mayor’s Conference Room kung saan ay kasama ng mga kabataan atletang ito mula sa DepEd Lucena si Joe Jader IPES IV MAPE at ilang pang mga coachs sa ibat’ibang larangan ng sports.
Nasa mahigit apat na po ang bilang ng mga manlalarong ito mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng lucena.
Pinangunahan naman ni Lucena City Administrator Anacleto Jun Alcala Jr. ang pagbibigay ng nasabing financial assistant na ito sa kadahilan na may schedule na kasabay si Mayor Dondon Alcala kung kaya siya ang nakatuka dito.
Bago ibigay ni Administrator Jun ALcala ang pinansiyal na assistant sa mga bata at maging sa mga coaches ng delegado sa batang pinoy 2019 ay nagbigay ito na mahalagang pananalita para sa mga manlalaro.
At sinabi nito sa mga naroong mga atleta na sila ang pride ng lucena at sa pamamagitan nila Joe Jader at ng ilang mga coaches ay na-insayo sila para sa iba’t ibang larangan ng palaro.
Ayon pa kay Alcala, sa pagpunta ng mga ito sa isabela para sa nasabing compitition ay ang delegado ng lungsod ng lucena sa kinatatakotan dahilan sa magagaling tayong manlalaro.
Sinabi naman ni Admin Jun Alcala, na buo naman ang suporta ni Mayor Dondon Alcala sa mga manlalaro ng Batang Pinoy ng Lungsod ng Lucena.
Samantalang kabilang sa mga compitition na sasalihan ng mga ito ay ang Arnis, table tennei. Lawn tennis, dance compitition, archery at iba pa.
Hangad naman ng pamahalaan panlungsod ang tagumpay ng mga pambato ng lungsod ng lucena sa batang pinoy 2019. (PIO-Lucena/J.Maceda)