Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga pampublikong guro na nagdiwang ng kanilang kaarawan, tinanggap ang kanilang regalo mula kay Mayor Dondon Alcala

Tinatayang mahigit sa 800 mga guro mula sa public schools sa Lucena, na nagsipagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Nobyembre, Disyem...

Tinatayang mahigit sa 800 mga guro mula sa public schools sa Lucena, na nagsipagdiwang ng kanilang kaarawan noong buwan ng Nobyembre, Disyembre, Enero at Pebrero, ang tumanggap ng kanilang birthday cash gift kamakailan.

Ginanap ang nasabing pamamahaging ito sa 4th floor ng Lucena City Government Complex na kung saan ay personal itong ipinagkaloob sa kanila ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Nakasama rin ng alkalde dito sina Councilors Anacleto Alcala III, Atty. Sunshine Abcede-Llaga, Manong Nick Pedro, at Vic Paulo gayundin ang anak ni Engr. Proceso “Ka Procy” Alcala na si dating congressman Irvin Alcala na siyang nagrepresentante sa kanyang ama.

Maging ang mga kasamahan nila sa Team Bagong Lucena na naghahangad na maging konsehales ng lungsod na sina Engr. Danny Faller, Engr. Wilbert McKinlley Noche, Engr. Jose Christian Ona, Benny “Baste” Brizuela Jr. at German Ver Castillo ay nakibahagi rin dito.

Sa takbo ng palatuntunan na isinagawa dito, nagbigay ng kanilang mga mensahe ang mga nabaggit na opisyales ng lungsod na kung saan ay kanilang lubos na hinangaan ang mga gurong nabanggit dahilan sa kasipagan at pagkakaroon ng mahabang pasensya ng mga ito.

Gayundin, buong taas na pagkilala at papuri ang kanilang inihatid sa mga ito dahilan sa anila ang lahat ng mga public schools teachers sa Lucena at maging ang lahat ng mga guro sa buong bansa ay ang maituturing na moderno at buhay na bayani ng bansa.

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga pampublikong guro na nagsipadiwang ng kanilang kaarawan dahilan sa naudlot ang pamamahagi nito sa kanila.

Aniya ito ay dahilan sa ang pondong inilalaan niya para dito ay nanggagaling sa sarili niyang bulsa at hindi galing sa pondo ng pamahalaang panlungsod.

Inilahad rin ng punong lungsod sa mga dumalo dito ang ilan pang mga programa at proyekto ng city government para sa kanilang hanay.

Ilan na nga dito ang pamamahagi ng mga sound system at flat screen televisons sa mga public schools upang magamit ng mga ito para sa kanilang paaralan.

Isang magandang balita rin ang inihatid nito sa lahat ng mga guro at ito ay ang binabalak na muling pagtataas ng kanilang city share na kung saan ay malakas na palakpalakan ang isinukli naman ng mga ito sa alkalde.

Gayundin sinabi pa ng punong lungsod na patuloy siyang mag-iisip pa ng mga programa at proyekto para sa kapakanan at tiyak na mapapakinabangan ng mga guro sa lungsod lalo’t higit ang mga nasa pampublikong paaralan.

Matapos na makapagbigay ng kaniyang pananalita, pormal nang ipinagkaloob sa mga dumalo dito ang kanilang regalo ni Mayor Alcala.

Ito ay bilang pagpapakita ni Mayor Dondon Alcala ng kaniyang taus pusong pasasalamat at paggalang sa lahat ng sakripisyong ginagawa ng mga pampublikong guro sa ating lungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.