Upang ipakita ang kaniyang buong pagsuporta sa mga programang pampalakasan sa lungsod, dumalo sa isinagawang pagbubukas ng Inter-Purok B...
Upang ipakita ang kaniyang buong pagsuporta sa mga programang pampalakasan sa lungsod, dumalo sa isinagawang pagbubukas ng Inter-Purok Basketball Tournament si Senior City Councilor Anacleto Alcala III.
Dumalo si Konsehal Third Alcala sa naturang okasyon bilang representante ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na kung saan ay nakasama rin niya dito si Konsehal Vic Paulo at naghahangad na maging konsehal na si Engr. Wilbert McKinley Noche.
Gayundin ang ilan sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay tulad nina Kagawad Picoy Go, Goddison Dimaculangan at Gerry Dela Cruz at SK Chairman Charlie Magne Macaraig.
Inumpisahan ang naturang program sa pamamagitan ng isang panalangin na nilahukan naman ng mga nasabing opisyales at mga manlalaro na kalahok sa nasabing palaro.
Sunod nito ay nagbigay ng kanilang mensahe ang mga nabanggit na opisyales at sinabing isang magandang programa ito ni Mayor Alcala para sa mga kabataan.
Anila, sa pamamagitan ng ganitong uri ng paligsahan ay nailalabas ng mga manlalarong Lucenahin ang kanilang angking galing pagdating sa larong basketball.
Dagdag pa ni Konsehal Third Alcala, sa pamamagitan rin ng ganitong uri ng palaro ay nagkakaroon ng katuparan ang isa sa mga kahilingan ni Mayor Dondon Alcala para sa mga kabataan.
At ito ay ang mailayo ang mga ito sa masasamang bisyo lalo’t higit sa ipinagbabawal na gamut.
Isa rin sa hinahangad ng alkalde ay ang makilala ang mga ito sa larangan ng nasabing isport tulad na lamang ng ilang mga manlalaong Lucenahin na ngayon ay gumagawa nan g pangalan sa nasyunal na paligsahan.
At matapos na makapagbigay ng kanilang mensahe isinunod naman dito ang pagrampa ng mga muses ng kalahok na koponan dito.
At para mas lalo pang sumaya ang programa dito, nagbigay rin ng kanilang karagdagang papremyo ang mga nabaggit na opisyales bagay na lubos na ikinatuwa ng mga kalahok dito.
Sa huli ay itinanghal na nagwagi ang muse ng Purok Ipil-Ipil II sunod ang mutya mula sa Purok Ipil-Ipil III at pangatlo naman ang muse mula sa Purok Yakal.
Matapos nito isinunod na ang pormal na pagbubukas ng nasabing paligsahan sa pamamagitan ng ceremonial toss na pinangunahan nina Konsenhal Third Alcala, Vic Paulo at mga miyembro ng Sangguniang barangay ng Brgy. 9.
Ang pagtungong ito nina Konsehal Anacleto Alcala III, Vic Paulo at aspiring councillor Engr. Wilbery McKinley Noche at upang ipakita sa mga manlalarong Lucenahin ang kanilang taus pusong pagsuporta sa mga ganitong uri ng palaro at sa paghahangad ng mga ito na mas malinang pa ang angking galing nila sa larong basketball upang sa ganun ay maipagmalaki ang mga ito hindi lamang sa ating lungsod kundi maging sa buong bansa at maging sa buong mundo. (PIO Lucena/ R. Lim)