Isa ang lungsod ng lucena sa tinatawag na highly urbanized city at kasabay ng pagdami ng populasyon ng lungsod ay ang siyang pagdami rin ng...
Sa kabila ng malaking pagbabago at pagsasaayos ng sanitary landfill, nababahala pa rin si castillo na baka hindi na abutin pa ng dalawang taon ang operation time nito.
Kada araw daw kasi, nasa 50-52 tons na basura ang itinatapon dito. Mas mababa pa nga raw ito ng 20% kung ikukumpara sa 65 tons na basurasa tuwing may okasyon.
Sa ganitong lagay, hindi na tiyak ng tanggapan kung hanggang kailan ang itatagal ng sanitary landfill.
Kaugnay nito ay muling nananawagan si castillo sa pamunuan ng bawat barangay na tulungan silang ng bigyan ng kaaalaman ang bawat residente hinggil sa tamang pagtatapon at pagre-recycle ng basura.
Nakatitiyak si castillo na magiging malaking tulong sa kanilang tanggapan at sa suliranin ng lungsod sa basura ang malilit na partisipasyon ng bawa’t-isa.
Giit pa nito, kakailanganin ng lokal na pamahalaan ng pakikiisa ng mamamayang lucenahin pagdating sa maayos na pangangasiwa ng basura. Mawawalan raw kasi kabuluhan ang mga hakbangin ng lokal na pamahaalaan kung walang disiplina ang bawa’t-isa pagdating sa tamang pagtatapon ng basura.
Ilan lamang umano sa mga hakbangin ng pamahalaang panlungsod hinggil dito ay ang maigting na pagpapatupad ng no waste segregation,no waste collection policy sa mga barangay na dinaraanan ng mga garbage truck collectors gayundin ang paglalagay ng materials recovery facility sa ilang mga barangay sa lungsod.
Nagtalaga na rin ng mga eco-police at eco-aide ang lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang barangay upang magkaroon ng karagdagang pwersa sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod.
Pinangunahan rin ni castillo, ang pagpapaganda ng sanitary landfill sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mini eco park at materials recovery facility, pagtatanim ng mga halaman at puno, at panggagawa ng mga eco-bricks. (PIO LUCENA/ C.ZAPANTA)