Matagumpay na naisagawa sa Barangay Dalahican ang pagpaparehistro ng Bagong Plaka para sa Pedicap kamakailan. Isinagawa ang naturang aktibid...
Isinagawa ang naturang aktibidad na ito sa mismong compound ng naturang barangay.
Na pinangunahan ni Kagawad Luisito San Pascual na siyang Committee Chairperosn on Transportation and Public Safety, ito’y ay sa atas na rin ng kanilang Punong Barangay Roderick Macinas.
Nagparehistro naman ang mga may-ari ng pedicap para sa taong kasalukuyan na bahagi ng pagpapatupad ng ordinansa ukol sa pedicap registration.
Ang nabanggit na pagpapatala ay pinangunahan ng mga opisyales ng Pedal Inc. sa pamumuno ni Pedal President Edwin Pentinio.
Dumaan ang mga pedicap na nairehistro sa inspeksyon ni Kagawad San Pascual.
Kung saan masusing tiningnan ang mga pedicap kung mayroon ba ang mga ito na Busina, Side Mirror, Basurahan, ilaw at body sticker bago ito maaprubahan ni Kapitan Macinas at pagkatapos maaprubahan ay ipagkakaloob na ang bagong pedicap plate.
Ang pagpaparehistrong ito ng mga pedicap sa Barangay Dalahican ay para na rin sa kanilang kapakanan at lalo’t higit sa kanilang mga pasahero na tanging hangad ng sangguniang barangay nila ay ang kanilang kaligtas.
Lubos naman ang pasasalamat ng sangguniang barangay sa pangunguna ni Kapitan Roderick Macinas sa mga pedicap operators na nagparehistro na ng kanilang mga pedicap units.
At hinihikayat pa ng butihin punong barangay ang iba pang mga operators na kanila nang maipatala ang kanilang mga pedicap units para sa ikaayos nito. (PIO-Lucena/J. Maceda)