Nakiisa ang pamahalaan panlungsod sa nationwide, national womens month 2019 kamakailan Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa harapan ng L...
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa harapan ng Lucena City Government Complex kung saan pinangunahan ito ng tanggapan ng City Social Walfare and Development Office sa pamumuno ni OIC Malou Maralit.
Nasa mahigit na limangdaan kababaihan mula sa iba’t ibang barangay at tanggapan dito sa lungsod ng lucena ang dumalo dito.
Dumalo rin dito at kinatawan si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang maybahay nito na si Maggie Alcala.
Ganoon din sina Konsehal Sunshine Abcede-Llaga na siyang may hawak ng Komitba ng pangkababaihan sa sangguniang panlungsod at maging si Allyssa Mijares GAD Focal Person.
Present din ang ilang mga konsehal na sina Vic Paulo, Atty. Boyet Alejandrino, mga dating konsehal Amer Lacerna at Danny Faller, maging ang mga Aspiring Councilors na sina Benito Baste Brizuela, Engr. Mckinly Noche at Engr. Christian Ona at maging Engr. Danilo Nobleza OIC Lucena City DILG.
Kung saay nagbigay ng kani-kanilang mensahi at pagbati ng happy womens months sa lahat ng naroon mga kababaihan.
Sa naging pananalita naman ni Mam Maggie Alcala, sinabi nito na ang katangian ng mga babae ay sila ang tunay na Gabriela ngunit ang pagiging gabriela ay gagamitin sa tama.
Ayon pa dito sila rin mga babae ay flexible, dahil aniya puwede sila sa bahay, sila yon nagluluto, laba, linis, alaga sa asawa at mga anak.
Pero puwede rin silang maghanap buhay ganito umano ka flexible ang mga kababaihan.
Dagdag ni Maggie Alcala, sila rin ay maaring makatulong sa kapwa nila kababaihan lalong lalo na doon sa mga hindi pa handang magbuntis.
Dapat aniya ay tulungan nila ang mga kagaya nila turuan kung papaano maging isang responsibilidad na ina.
Sapagkat naniniwala siya naang tulad niya at mga kababaihan ay boses ng lahat, boses ng mga asawa o kalalakihan. At hindi lang umano pangbahay siloa puwede rin maghanap buhay upang makatulong sa kanilang pamilya.
Binanggit rin ni Maggie Alcala, para sa kaniya ang impowerment ay proseso para maging confident silang mga kababaihan, proseso para mas lalong maging malakas silang mga babae.
Samantalang naging panauhin naman sa nasabing aktibidad na ito ang may-ari ng kilalang kainan sa lucena at ibang bayan sa lalawigan ng quezon na Buddy Pizza na walang iba kundi si Maria Nova Villanueva Veluz kasama nito ang kaniyang asawa na si Zaldy Veluz.
Na nagbigay rin ng insperational message sa mga kababaihan na naroon at nagbigay rin ito ng awitin.
Sa huli ay binigyan ng certificate of appriciation si Nova Veluz dahilan sa pagsuporta nito sa nasabing aktibidad. (PIO-Lucena/J.Maceda)