Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PAMUNUAN NG CITY VETERINARIAN OFFICE, NAGBIGAY NA PAALALA SA MGA PET OWNER NA PABAKUNAHAN ANG KANILANG ALAGANG ASO TAON TAON LABAN SA RABIES

Bukod sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ngayon Marso ay ipinagdiriwang din ang buwan na ito ang Rabies Awareness Month. Kaya naman nag...

Bukod sa pagdiriwang ng buwan ng kababaihan ngayon Marso ay ipinagdiriwang din ang buwan na ito ang Rabies Awareness Month.

Kaya naman nagtungo ang TV 12 sa City Veterinarian Office upang alamin ang kanilang aktibidad ngayon.

At sa atin pakikipagpanayam sa hepe nito na si Dr. Winston Avillo, sinabi nito na mayroon programa ang kanilang opisina itoy tinatawag na oplan red na ibigsabihin ay Rabies Ilimination in Dogs.

na may Tema ngayon taon na Makiisa sa Barangayan Kontra Rabis, maging responsableng pet owner.

Ayon pa kay Avillo, ang kanilang tanggapan ay naatasan na magbakuna ng mga aso para mawala ang rabis sa lungsod.

Ayon pa dito sa lungsod ng lucena, ngayon pagpasok ng 2019 o third quarter ay mayroon ng mga barangay na nabakunang mga aso ang kanilang tanggapan at ito ay ang barangay Silangang Mayao, Brgy. 2 at Brgy. 8.

Dagdag pa nito na sa kanilang tala ngayon ay mayroon ng mahigit sa 200 mga aso ang kanilang napabakunahan sa ilang barangay.

Hiniling naman si Dr. Avillo ang tulong ng mga barangay opisyals sa lungsod na tulungan sila para sa mga susunod pagbabakuna ng kanilang opisina sa kanilang lugar.

Samantalang idinagdag pa ng hepe ng City Veterinarian Office mayroon ordinansa na tinatawag na republic act 9482 o rabies law of 2007.

Na ang mga alagang aso ay dapat na nakakulong at nakatali at ganoon din ay lagi rin itong pabakunahan taon taon laban sa rabies.

Kaya naman sinabi rin nito na maging responsableng pet owner tayo at laging paturukan ang aso nila taon taon.

Sinabi rin ni Dr. Winston Avillo, na sa tala ng kanilang tanggapan ang pinakamaraming insidente ng nakakagat ng aso ay ang panahon ng summer.

Sapagkat aniya maraming bata ang naglalaro sa kalsada dahilan rin sa walang pasok.

At sa hindi inaasahan ay may mga asong alpas at pagala gala sa kalasada na kapag naglalaro ang mga kabataan ay minsan sila ay nahahabol at nakakagat.

Kapag naman umano sa hindi inaasahan na makagat ng aso ay daglian na hugasan ito sa gripo at sapunin.

Pagkatapos ay patingnan sa inyong health center para agad na malapatan ng lunas. (PIO-Lucena/ J.Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.