Bahagi ng programa ni Gov. David C. Suarez na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka pagdating sa mga kagamitang pang-agrikultura....
Bahagi ng programa ni Gov. David C. Suarez na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka pagdating sa mga kagamitang pang-agrikultura. |
Mayroon naman pamamaraan para manumbalik ang matabang lupa ito ay sa pamamagitan ng rapid composting program ng pamahalaan panlungsod.
Ito ang ilan sa binanggit ni Melissa Letargo head ng City Agriculturist Office sa panayam ng TV 12 kamakailan.
Ayon kay Letargo, ang rapid composting ay tinutulungan ng programang ito na maibalik ang nutrients na nawala sa lupa.
Ayon dito ang isang paraan para makatipid ang mga magsasaka ay ang natural na paraan tulad ng pagbubulok ng dayami sa tipak ng kanilang tubigan.
Ikinakalat o inilalatag ang mga dayami sa tubigan pagkatapos mag-ani, lalagyan ng tubig at kapag basa na ito naman ay ispreyan ng trichoderma ito yon compose funggos activitor para mapabilis ang pagbubulok ng naturang dayami.
Dagdag pa ng butuihin hepe ng City Agriculturist Office ang ordinaryong sestema ng pagbubulok ng dayami kapag walang trichoderma ay mahigit sa dalawa o tatlong buwan bago mabulok yong mga dayami.Pero kung gagamit ng trichoderma fertilizer ay mabubulok ito sa loob ng isang buwan.
Sinabi ni Letargo, kapag nabulok na ang dayami aniya ang katumbas nito ay abuno tulad ng urea.
Sapagkat maraming makukuha na nitrogen content na ito at kanilang naman kina clarified at ini-emphasize sa mga farmers at malaki ang matitipid nila kapag ginawa nila ito.
Idinagdag pa ni Melissa Letargo na malaki rin ang maitutulong ng mga farmers sa lungsod kapag hindi nila sinunog ang mga dayami sapagkat malaking tulong ito sa pag-aalaga ng environment at maging sa kanilang kalusugan.
Samantalang patuloy pa rin naman ang pamahalaan panlungsod sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala at city Agriculturist Office sa pagtulong sa mga magsasakang Lucenahin dahil sa ang hangad nila ay tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga ito. (PIO-Lucena/J.Maceda)