Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

SCREENING PARA SA BINIBINING PASAYAHAN 2019, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA

Isa sa inaabangang aktibidad sa Pasayahan sa Lucena ay ang Binibining Pasayahan. At kamakailan nga ay nagsagawa ng Screening para sa Binibin...

Isa sa inaabangang aktibidad sa Pasayahan sa Lucena ay ang Binibining Pasayahan.

At kamakailan nga ay nagsagawa ng Screening para sa Binibining Pasayahan 2019 kung saan ay 34 na kadalagahan ang nakilahok sa naturang screez ning.

Na dinagsa ng mga manonood nating mga kababayang lucenahin.

Ginanap ang nasabing aktibidad na ito sa Event Center 3rd Floor ng SM City Lucena.

Ang lahat ng mga kadalagahan na ito ay sinukat ang taas upang matiyak na pasado sila sa tamang height limit at matapos nito ay pina-fill up sila ng form, pagkatapos ay isa isa ng pinapunta sa likod ng Stage upang ayusan ang mga ito.

Pinangunahan naman ng Chairman ng Bb. Pasayahan 2019 na walang iba kundi si Ms. Grace Llamas.

Isa rin ito sa naging Judge ng pagent kasama nito sina PR Manager for South Luzon ng SM na si Ms. Lilibeth Azores at kilalang fashion designer sa lucena at maging sa Lalawigan ng Quezon na si Mr. Armand Remojo.

Dumalo rin dito sina Arween Flores head ng City Tourism at maybahay nito ganoon din ang isa sa Major sponsor ng Pasayahan sa Lucena ang may ari ng MarkCafe na si Engimar Camonias at ang kabiyak nito.

Samantalang sinimulan na ang naturang aktibidad kung saan ay lumabas ng backstage ang mga kababaihan ito at nagpakilala suot ang kani-kanilang casual wear.

Matapos na rumampa ang 34 at magpakillala ay isang intermission number bago muling lumabas ang mga kalahok.

At dito ay hinati sa tatlo grupo kung saan suot naman ng mga ito ang swimwear kasabay na rin ang question and answer.

Samantalang matapos nito ay muli naman babalik ang mga ito para sa final screening sa April 1, 2019 Monday 2pm sa Event Center ng SM City Lucena. (PIO-Lucena/J.Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.