Binisita ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang isi nagawang seminar para sa mga Urban Poor Leaders ng Poblation. Ginanap ang naturang aktib...
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa harapan ng Barangay Hall ng Barangay 8 kamakailan.
Mahigit naman sa isang daan mga leaders mula sa iba’t ibang federation ang dumalo rito.
Kung saan ay pinangunahan ang seminar na ito ni Robert Bonifacio supervising area coordinator PCUP presidential communication for urban poor hinggil sa capability building program.
Katuwang ng mga ito ang Urban Poor Afairs Division sa ilalim ng pamumuno ni Lerma Fajarda.
Na bagamat wala ito ay kinatawan naman siya ni Ma. Digna Bacia pangulo ng Confederation of Lucena City Urban Poor Homeowners Association Inc.
Sa naging panalita naman dito ni Mayor Dondon Alcala ay nagpasalamat ito sa mga bisita mula sa PCUP dahilan aniya na pumasyal ang mga ito sa lungsod ng lucena.
Ayon dito ay nasa pangalawang araw na ang mga ito na narito para magsagawa ng seminar ang una sa ang gulang gulang federation.
Ayon po sa alkalde napakalaki umanong bagay na mabisita tayo ng mga taga PCUP para maidefend ang mga duty and responsibility.
At kung ano ang dapat gawin sa mga problema na tungkol sa mga member nila at lahat naman ay naipaliwanag ng grupo ni Robert Bonifacio.
Samantalang sa kaniyang unang termino ay ipinagmalaki nito ang mga nagawang programa at proyekto tulad na lamang ng from wom to tomb, na simula sa pabubutis hanggang sa pagkamatay ay may tinutulungan ang mga mamamayan lucenahin ng pamahalaan panlungsod ang palengke mall at LCGC.
Sa pangalawang termino ay proyekto ay angbagong lucena convention center, DonVictor Ville at apat pang iba pa.
At sa huling termino nito ay ang prayuridad na proyekto at programa ay ang tinatawag na housing project at ganoon din ay mabigyan ng pansin ang problema ng mga urban poor.
Nagpaalala naman ang Punong Lungsod, dahilan sa matagal na panahon na mayroon sa atin na mobilizer na hindi naman taga lungsod ng lucena, na naniningil ng membership fee, pangsukat kapag nakapagbayad na ay nawawala na ang mga ito.
Kaya naman pinag-iingat ng Alkade ang mga nasa urban poor na kapag mayroon na lumapit sa kanila ng ganito ay ipagbigay alam ito sa kanila at huwag maniwala sa mga ito.
Patuloy naman ang pamahalaan panlugnsod sa pagtulong sa mga urban poor federation sa lungsod ng lucena sa pamumuno ng administrasyon ng bagong lucena sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dondon Alcala na ang tanging hangad ay maging maayos ang pamumuhay ng mga ito. (PIO-Lucena/ J.Maceda)