Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Serbisyong Suarez 3 on 3 Basketball Tournament, inilunsad sa bayan ng San Antonio

Pinangunahan ni Gob. David C. Suarez ang isinagawang launching ng Serbisyong Suarez 3 on 3 Basketball Tournament na isinagawa sa bayan ...


Pinangunahan ni Gob. David C. Suarez ang isinagawang launching ng Serbisyong Suarez 3 on 3 Basketball Tournament na isinagawa sa bayan ng San Antonio nitong ika-12 ng Marso. Higit 40 mga kupunan mula sa iba’t-ibang barangay ng nasabing bayan ang nakiisa dito na sinuportahan naman ng kanilang punong-bayan na si Mayor Eric Wagan.
Nagpasalamat si Mayor Wagan sa ama ng lalawigan sa pagdadala ng isang makabuluhang programa sa kanilang bayan na nagsusulong ng kampanya para sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.
“Nais nating magpasalamat at tanggapin ang butihing Gobernador sa kanyang pagdating at pagpapaunlak sa napakagandang paligsahan, 3 on 3 na napakagandang kampanya  upang lalong mapatunayan ang kalakasan ng katawan at isa pa ang maramdaman ng ating mga kabataan na talagang sersyoso ang hangarin ng ating butihing gobernador.” saad ni Mayor Wagan.
Sa mensahe ni Gob. Suarez, binigyang-diin niya ang pagpapahalaga ng pamahalaang panlalawigan sa kalusugan ng bawat mamamayan sa probinsya sa pamamagitan ng mga ganitong uri ng palakasan.
Ibinahagi rin niya na isa sa mga naging dahilan sa pagpili ng bayan ng San Antonio upang ilunsad ang programa ay dahil sa di-matatawarang husay na ipinamalas ng kanilang bayan pagdating sa larong basketball sa lalawigan.
Sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng ALONA Partylist, aabot sa Php 40,000 ang mapapanalunan ng tatanghaling kampyon para sa nasabing inter-town basketball tournament, Php 30,000 para sa 1st runner-up, Php 20,000 para sa 2nd runner-up at Php 10,000 naman para sa 3rd runner-up.
Isasagawa rin ang Serbisyong Suarez 3 on 3 Basketball Tournament sa iba pang mga bayan sa ikalawang distrito tulad ng Tiaong, Candelaria, Sariaya, Lungsod ng Lucena at Dolores. Ayon kay Gob. Suarez ang mga tatanghaling kampyon sa bawat bayan ay nakatakda namang maglaban sa isang 3 on 3 one day tournament na gaganapin sa Quezon Convention Center.
“Ako’y nag-papasalamat na kayo ay sumali kung hindi po ako nagkakamali ay mga bara-barangay tayo para ipakita naman natin sa buong bayan ng San Antonio ang pagkakaisa ng Serbisyong Suarez at ni Mayor Wagan sa pagpapalakas ng support at development dito sa ating bayan at maliban doon para makita din natin ang pagpapahalaga sa pangangatawan natin para makaiwas tayo sa masasasamang bisyo tulad ng pinag babawal na gamot.” ani Gob. Suarez. (Quezon-PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.