Kamakailan ay napabalita sa TV at Radio station sa ilang bayan at Lalawigan sa bansa na kinukulang ang rabies vaccine sa kanilang lugar. At ...
At dahil sa ngayon ay panahon ng tag-init andiyan makikita mo sa lansangan o mga kalsada ang mga asong pagala gala.
Mayroon naman ordinansa na republic act 9482 o rabies law of 2007, na dapat ang mga alagang aso ay dapat na nakakulong at nakatali upang maiwasan na makakagat ang mga aso.
Kaya naman nagsasagawa ng pagtuturok sa mga hayop tulad ng sa aso at dahil nga ngayon ay rabies awareness month ay nagtuturok ang bawat tanggapan ng veterinary sa buong bansa ng anti-rabies vaccine.
At dito sa lungsod ng lucena ay patuloy ang programa para sa pag-babakuna sa mga aso laban sa rabies.
At Dahilan naman sa napabalita na kinukulang ang rabies vaccine sa ibang lugar ay minabuti ng TV 12 na magtungo sa city veterinary office sa pamumuno ni Dr. Winston Avillo upang atin kuhanan ng reaction sa nasabing usapin.
Sa naging tugon ni Dr. Avillo, ang department of agriculture ang nagsusuply o nagbibigay sa lungsod ng lucena ng rabies vaccine.
Ito aniya ay sa pamamagitan ng regional field unit number 4 at sa pamamagitan ng provincial veterinary office.
Nagbibigay sila ng supply ng rabbies vaccine at dito naman umano sa bagong lucena ay sapat ang supply ng gamot para sa pagbabakuna sa mga aso.
Dagdag pa ng hepe ng city veterinary office, mayroon umano na average na 2,000 doses ito naman ay nirerequest nila sa DA region 4 para mabigyan ang city government of lucena para magamit sa pagbabakuna ng aso sa 33 barangay sa lungsod.
Samantalang sinabi rin Dr. Avillo, tuloy tuloy ang kanilang ginagawang pagbabakuna sa lungsod mg lucena at sakatunayan umano ay tatlong barangay ang kanilang naka schedule para sa anti rabies vaccine.
Ayon pa dito libre naman ang pagbabakuna sa mga aso at kung gusto anila na magpa schedule para maturukan ang kanilang alagang aso ay tumawag lang aniya sa 09255116714 at puwede rin lumapit ang mga ito sa barangay.
Upang magkapagrequest sila sa punong lungsod Dondon Alcala para mapabakunahan ang kanilang mga aso sa lugar.
Nagpasalamat naman si Dr. Winston Avillo kay Mayor Dondon Alcala dahil supporta at tulong nito sa kanilang tanggapan para maisakatuparan nila ang programa na may kinalaman sa animal health. (PIO-Lucena/ J.Maceda)