Kasabay ng pagtatapos ng mga Mayor Dondon Alcal Inter-Purok Basketball sa ilang mg barangay sa lungsod, dumalo sa isinagawang awarding ng mg...
Kasabay ng pagtatapos ng mga Mayor Dondon Alcal Inter-Purok Basketball sa ilang mg barangay sa lungsod, dumalo sa isinagawang awarding ng mga ito ang anak ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na si Mark Alcala bilang representante nito.
Nagtungo sa nabanggit na okasyon sa bahagi ng Brgy. 1, 9 at 10 na kung saan ay nakasama niya dito ang head ng City Sports Division Office na si Coach Osmund “Ogie” Ng.
Unang tinungo ng mga ito ang Brgy. 1 na kung saan ay nakasama naman nila dito ang chairwoman ng nasabing barangay na si Herminia Abuel at ang SK Chairwoman na si Chelene Quevedo.
Sa naging pananalita ni mark Alcala sa naturang aktibidad, kaniyang bingyang pasasalamat ang lahat ng mga miyembro ng Sangguniang Barangay at ang Sangguniang Kabataan ng Brgy 1 dahilan sa pakikisa ng mga ito sa nabanggit na paligsahan.
Binigyang pasasalamat rin naman nina Kapitana Abuel at SK Chaiwoman Quevedo si Mayor Dondon Alcala sa pagsasagawa ng ganitong uri ng palaro na malaki ang naitutulong para sa mga kabataan.
Matapos ang paggagawad sa mga nanalo sa kanilang lugar ay sunod namang tinungo ng panganay na anak ni Mayor Alcala ang brgy. 9 na kung saan ay nagsagawa rin ng ganitong uri ng aktibidad.
Nakasama naman nila dito sina Chairwoman Filipina Flancia at SK Chairman Charly Magne macaraig gayundin ang ilang mga kagawad ng barangay na sina Picoy Go at Godisson Dimaculangan.
Bagamat hindi pa natatapos ang laro para sa kampeonato ng senior division ay ipinaalala ni Mark Alcala sa mga manlalaro dito ang palagiang sinasabi ni Mayor Dondon Alcala na ang dapat na idivelop ng mga ito ay ang kanilang angking galing sa larong basketball atnararapat na iwasang isipina ang makasakit ng kapwa manlalaro ng mga ito.
At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe para sa mga manlalaro dito pormal nang ipinagkaloob sa mga nagsipagwagi dito ang kanilang tropeyo at cash prize.
Huling tinungo naman nina Mark Alcala at Coach Ogie Ng ay ang Brgy. 10 na kung saan ay mainit silang tinanggap dito ni SK Chairman King David Adion at Chairman Arnel Magbanlac.
Sa naging pananalita ni na Chairman Magbanlac at SK Chairman Adion, lubos nitong pinasalamatan ang alkalde ng lungsod dahilan sa patuloy na pagsasagawa nito ng mga programa para sa mga kabataang Lucenahin.
Anila, sa pagkakaroon ng ganitong uri ng palaro ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga manlalarong Lucenahin na ipakita ang kanilang angking galing sa naturang isport.
Lubos rin namang pinasalamatan ng anak ng punong lungsod ang mga nabaggit na opisyales sa patuloy nitong pagsuporta sa kaniyang ama gayundin sa mga program at proyektong ipinatutupad nito sa lungsod.
At nang makapagbigay ng kaniyang mensahe ay isinunod na dito ang ginawang awarding sa mga nanalong koponan at mga inidibidwal na nagkamit ng espesyal na award.
Ang pagsasagawa ng ikalawang Mayor Dondon Alcala Inter-Purok basketball League ay dahilan sa pagnanais ni Mayor Dondon Alcala na maipalamalas ng mga kabataang Lucenahin ang kanilang husay sa paglalaro ng basketball.
Gayundin ang kagustuhan nito na mailayo sa anumang masasamang bisyo ang mga ito upang sa ganun ay mas lalo pang makibahagi ang mga kabataang Lucenahin sa mga palarong pampalakasan. (PIO Lucena/ R. Lim)