Sa pangunguna ni mayor dondon alcala, matagumpay na isinagawa kamakailan ang pagpaparangal sa mga idineklarang kampyon sa nakalipas na ika-l...
Alinsabay sa pagdiriwang ng fire prevention month noong nakaraang buwan ng marso, pinasinayahan ni s/inspector garynel julian , acting city fire marshal ng lucena bureau of fore protecion, ang pagdaraos ng brgy. Fire brigade olympics sa lungsod na layuning mas mapa-iigting ang kakayahan at kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa kahandaan at kaligtasan laban sa sunog.
13 fire brigade team ang nagpaligsahan upang tanghalin bilang best barangay fire brigade ngayong taon kung saan nagkampyon ang brgy 10 sa pangunga ni kapitan arnel magbanlak.
1st runner up naman at best in fire extinguishment ang brgy 9 sa pangunguna ni kapitan filipina flancia, ang koponan naman ni kapitan roderick macinas ng brgy. Dalahican ang nakasungkit sa 2nd runner up gayundin sa best in muse at most disciplined team.
Itinanghal naman bilang best in busted hose ang brgy 4 sa pangunguna ni kapitan editha carurucan, habang best in bucket relay at tug of war naman ang koponan ni kapitan jacinto jaca ng ibabang dupay.
Kampo naman ni kapitan enrico de los rios ng brgy. 2 ang nanalo bilang best in uniform,.
Idineklara bilang best in yell ang koponan ng simula ng pag-asa ng city anti-drug abuse council fire brigade team ni cadac officer francia malabanan.
Pinasalamatan naman ng alkalde si julian dahil sa pagpapasinaya ng nasabing aktibidad.
Dahil raw kasi sa mga laro, mas nagkakaroon ng kasanayan ang mga residente hinggil sa pag-apula ng apoy. Mahalaga umano ang kasanayaan upang dumami ang bilang ng mga multipliers na maaaring rumesponde sa mga insidente ng sunog man-made man ito o natural disaster.
Matapos ang brgy. Fire bridage olympics, mas lumalakas ang kooperasyon sa pagitan ng tauhan ng bfp at ng bawat barangay fire brigades. (pio lucena/c.zapanta)