Upang madaling makaresponde ang mga awtoridad o mga opisyal ng barangay at Barangay Police sa mga krimen na nangyayari sa kanilang lugar a...
Kaya naman kamakailan ay inilunsad ang BADAC, Barangay Police at VAWC Hotline sa Barangay Dalahican.
Kung saan pinangunahan ng mismon ni Barangay Chairman Roderick Macinas at Sangguninang Barangay ng Dalahican kaisa rin dito ang Non-Government Organization (NGO’s), pamahalaan lokal ng lungsod ng lucena naroon rin si Konsehal Atty. Sunshine Abcede Llaga.
Ganoon din ilang personnel ng PNP Lucena, City Anti-Drug Abuse Council at iba pang ahensiya at tanggapan ng gobyerno.
Ang paglulunsad ng BADAC at VAWC Hotline ay bahagi ng pagpapalakas at pagsuporta ng Barangay Dalahican sa nasyonal na pamahalaan at lalo’t higit sa Lungsod ng Lucena upang labanan ang iligal na droga, kriminalidad at karahasan sa ating pamayanan.
Dito ay nagsagawa muna sila ng motorcade na nagsimula sa Purok 7 Sta. Teresa at imikot sa buong Dalahican at nagtapos sa Multi-Purpose Covered Court.
Matapos ang konting pahinga ay sinundan ng maikling programa at dito ay ibinahagi ang kahalagahan ng BADAC, Brgy. Police at VAWC Hotline sa kanilang kabarangay.
Pagkatapos ng programa ay isinunod na ang paglagda sa kapangakuan na nagpapahayag ng pagsuporta at pagsugpo sa iligal na droga, kriminalidad at karahasan.
Samantalang ayon naman sa kapitan ng Barangay Dalican na si Macinas inaasahan ang kooperasyon ng bawat kabarangay nila at kung may mga insidente ng karahasan, krimen at lalong lalo na kung may kinalaman sa iligal na droga.
Ay itext o itawag lamang ng mga ito sa BADAC Hotline 0928-1650-490 o 0935-5541-911 o kaya naman ay sa Brgy/Police/VAWC Hotline 0950-14-56-227.
Layunin din ng inilusad na ito ay upang mas ligtas ang mga mamamayan ng Brgy Dalahican lalo na ang mga kabataan at mga kababaihan sa kanilang lugar. (PIO-Lucena/J.Maceda)