Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CHO, NAGBAHAGI NG MAHAHALAGANG KAALAMAN HINGGIL SA SAKIT NA TUBERCULOSIS

Upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng nabibiktima ng sakit na tubeculosis sa bansa, kasabay ng pagpapasinaya ng libreng tuberculosis ma...


Upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng nabibiktima ng sakit na tubeculosis sa bansa, kasabay ng pagpapasinaya ng libreng tuberculosis mass screening test sa ilang mamamayang lucenahin kamakailan, nagbahagi rin ng kaalaman ang city health office hinggil sa nasabing  sakit at kung paano maiiwasan ito.
Ayon kay assistant city health officer dr. Vicente martinez, ang tuberculosiss o tb ay isang  airborne desease na maaring makuha sa tatlong paraan gaya ng pagbahing, pag-ubo, at pagdura.
Sa oras umano na dapuan ang isang tao ng microbacterium tuberculosis dahil sa mga paraang nabanggit, ang isang tao ay maari nang magkaroon ng impeksyon sa baga. Maaari ring maapektuhan ang ibang parte ng katawan ng isang pasyente tulad ng bato, buto at utak.
Ang posibleng sintomas ng aktibong tb ay ang pag-ubo na tumatagal nang mahigit sa dalawang linggo at ubong may bahid ng plema o dugo. Puwede ring makaranas ng lagnat at pagpapawis na madalas umatake sa hapon o gabi, kawalan ng ganang kumain, at pagbaba ng timbang.
Ayon sa pag-aaral, bawat taon, ang isang pasyenteng may aktibong tb ay maaaring makahawa ng 10 katao. Sakali raw kasing hindi magpagamot ang pasyenteng may tb, maaring mahawaan din ang mga kasamahan nito sa bahay lalo na ang mga bata.
Kaya’t payo nito,  mahalaga na agad na magpatingin kahit na hindi nakakararanas ng mga sintomas upang masiguro na ligtas mula sa sakit.
Ang sino mang nais na magpasuri ay maaaring pumunta sa barangay health center ng kanilang lugar. Sakaling mag positibo sa tb, kakailanganing uminom na mga gamot mula 6 hanggang 9 na buwan.
Mahalaga rin na alam ng publiko ang mga pamamaraan upang hindi maipasa sa ibang tao ang mikrpbyo gaya ng pagtatakip ng bibig gamit ang tisyu o panyo. Maari ring magtakip ng bibig gamit ang manggas o  loob ng kwelyo ng suot na damit. Kailangan rin na ugalin ang tamang paghuhugas ng kamay at  pagtatapon ng ginamit na tisyu sa basurahan. (pio lucena/c.zapanta)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.