Walang tigil ang city health office sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang maibsan ang kaso ng dengue sa lungsod, ito ang bagay na tiniya...
Walang
tigil ang city health office sa pagsasagawa ng mga hakbangin upang maibsan ang
kaso ng dengue sa lungsod, ito ang bagay
na tiniyak ni maritess par, vector borne desease coordinator ng nasabing
tanggapan.
Ayon
kay par, mula nang pasimulan nila ang misting operations sa lungsod noong
nakaraang buwan ng setyembre, bukod sa ilang mga pampublikong paaralan sa
lungsod, 22 brgy na ang nalibot ng kanilang misting machines.
Inaabot
umano ng dalawang linggo ang pagsasagawa
ng misting operation sa mga malalaking barangay gaya ng gulang-gulang, ibabang
dupay, at dalahican habang 5 araw naman ang itinatagal sa maliliit na
komunidad. Sa nasabing hakbangin, kaisa ng kanilang tanggapan ang mga opisyales
ng barangay, brgy. Tanod, at mga purok leaders na siyang tinuturan ng mga
kawani ng sanidad.
Sa
kasalukuyan, nasa barangay bocohan at brgy. 9 ang mga misting machines ng cho na ginagamit
upang makapagbomba ng gamot sa paligid ng bawat bahay na posibleng pagtirhan ng
mga lamok na may dalang dengue.
Bukod
pa rito, patuloy rin umanong nagsasagawa ng clean up dirves ang bawat barangay
sa kani-kanilang komunidad buwan-buwan.
Giit nito, higit na kailangang umaksyon ng
pamunuan ng bawat barangay dahil mas malaki ang tungkulin at responsibilidad ng
mga ito pagdating sa ganitong usapin.
Pinakang apektadong barangay pa rin ang brgy.
Gulang-gulang, ibabang dupay, ilayang iyam , at cotta kung saan 11-15 taong
gulang ang pinakang-apektado na karamihan ay mga kalalakihan.
Nais
na bigyang diin ni par na ang search and
destroy at ang early consultation pa rin ang pinakang-mabisang paraan upang
maibsan ang papalalang kaso ng dengue. (pio
lucena/c.zapanta)