Sa ginanap na regular na flag raising ceremony kamakailan sa pangunguna ng City Agriculturist Office na nagsilbing host ng programa, nag...
Sa naging pahayag ni
City Admin, pinuri nito ang tanggapan ng panlungsod na agrikultura lalo’t higit
ang hepe nito na si Melissa Letargo dahilan sa kahit madami aniya ang sangay na
hawak nito ay walang dudang kaniyang naisakatuparan ang kanilang lahat ng mga
programa at proyekto.
Kabilang na aniya
dito ang mabilis na pagkilos ng tanggapan noong panahon na bumulusok pataas ang
presyo ng bigas sa merkado.
Matatandaang noong
buwan ng Oktubre ng nakaraang taon ay umabot sa limampu’t apat na piso ang
presyo ng bigas kada kilo.
Pahayag pa ng
panlungsod na administrador, bilang pagtugon sa kaganapang ito, inatasan ng
punong lungsod ng Lucena na si Mayor Roderick “Dondon” Alcala si Letargo
gayundin ang punong barangay ng Barangay Ibabang Talim na si Kapitan Rolando
Ebreo na isaayos at pagandahin ang operasyon ng rice processing center na
matatagpuan sa naturang barangay.
Kasabay rin aniya ng
atas na ito ay ang pagsusumikap na makagpaglabas ng kaukulang dami ng bigas na
kinakailangan ng mga mamamayan sa loob ng dalawang linggo.
Ang mga bigas naman
na ito ay ang siyang ipinamahagi at ipinagbenta sa mababang halaga sa mga
Lucenahin na residente ng Brgy. Ibabang Talim gayundin ng Brgy. Ilayang Talim
sa pamumuno ni Kapitan Darwin Sevilla.
Magmula aniya sa
limampu’t apat na piso sa merkado ay naibenta nila ang mga bigas ng
nagkakahalaga na lamang ng apat napu’t limang piso kada kilo, na
nangangahulugang nakatipid ang bawat pamilya na siyam na piso kada kilo ng
bigas na kanilang binili.
Bagay na maituturing
na isang malaking tulong para sa mga mamamayan sa lungsod.
Sa huli ay inaasahan
ang patuloy na pagsasagawa at pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng City
Agriculturist Office. (PIO-Lucena/
M.A. Minor)