Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DPWH sisimulan ang SLEX Extension project sa Quezon

Courtesy: DPWH TIAONG, Quezon - Pinangunahan kamakailan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar at Quezon G...

Courtesy: DPWH
TIAONG, Quezon - Pinangunahan kamakailan nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar at Quezon Governor David Suarez kasama ang iba pang opisyal ng lalawigan ng Quezon ang programa para sa pagsisimula ng proyektong South Luzon Expressway Toll Road-4 o SLEX Extension project sa Barangay Lalig sa bayang ito.

Sa pahayag ni Sec. Villar, naging malaking tulong umano ang pagsisikap ni Gob. Suarez para sa tuluyang pagsasabuhay ng proyekto.

“Noong nagsimula kami sa pag a-acquire ng right of way dito napakalaking bagay ng tulong ni Governor dahil siya po ang nag-organize sa lahat ng mga stakeholders. Bahagi siya ng task force and I can say that napakalaking bagay ng tulong niya. Masasabi ko rin kung hindi dahil sa kanyang tulong hindi po magiging mabilis ang pag a-acquire ng right of way. Kaya itong proyekto, definitely it went from a dream to inevitability,” mensahe ng kalihim.

Pangunahing magpapatupad ng TR4-project ang San Miguel Corporation (SMC).

Ayon kay SMC President at chief of operations na si Ramon Ang, ang 66.7 km na expressway ay magsisilibing daan para sa pagkakaroon ng magandang opurtunidad sa lalawigan ng Quezon.

“Itong expressway na ito ay magdadala ng magandang peace and order sa Quezon at kapag natapos ay magiging main area ng agro industrial site ng Pilipinas,” sabi pa ni Ang.

Matatandaan na noong taong 2016 nang mahalal si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isa sa unang pinagtuunang-pansin ng kanyang administrasyon ay ang mga proyektong pang-imprastraktura kaugnay ng kanyang Build, Build, Build Program sa bansa.

Dahil dito, muling pinag-aralan ni DPWH Sec. Mark Villar ang pagpapatuloy ng TR4 Project na magbibigay ng mas mabilisang transportasyon mula bayan ng Sto. Tomas, Batangas hanggang Lalawigan ng Quezon.

Nabinbin ang naturang proyekto taong 2015 kaya’t minarapat ni Quezon Governor David C. Suarez na makipag-ugnayan kay Sec. Villar upang maisakatuparan ang matagal nang pinapangarap na proyekto.

Sa inisyatibo ni Gob. Suarez at mga alkalde na sina Candelaria Mayor Macario Boonggaling, Tayabas City Mayor Ernida Reynoso, Sariaya Mayor Marcelo Gayeta at Tiaong Mayor Ramon Preza, agaran nilang pinulong ang 590 lot owners ng madaraanan ng proyekto, assesorsat treasurer para sa acquisition ng road right of way na isa sa mga naging suliranin sa pagpapatupad ng proyekto noong mga nakaraang taon. (Ruel Orinday-PIA-Quezon, may ulat mula sa Quezon PIO)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.