Nakiisa ang emergency response team ng Brgy. Marketview sa isinagawang earthquake drill ng Children's House A Montessori School kamaka...
Nakiisa ang emergency response team ng Brgy. Marketview sa
isinagawang earthquake drill ng Children's House A
Montessori School kamakailan.
Sa panguguna ng Bureau of Fire Protection Lucena sa katauhan ni Fire Officer 2 Vergara katuwang ang ERT ng naturang barangay sa pangunguna naman ni Kagawad Jesus Buzeta na siyang chairperson ng sangguniang barangay Committee on Disaster Preparedness, ay tulong-tulong na isinagawa ang pakikilahok ng mga kabataan sa paghahanda para sa mga di inaasahang sakuna.
Nakiisa rin sa Gawain ang punong barangay ng Marketview na si
Kapitan Edwin Napule na nagbigay ng paalala sa kahalagahan ng pagkakaroon ng
kamalayan ng bawat indibidwal hinggil sa disaster preparedness.
Matapos ipaliwanag ang mga gagawin ay inasista ng mga miyembro
ng ERT ang mga estudyante mula sa pag-duck, walk and cover hanggang sa paghanay
sa school grounds na malayo sa mga matataas na gusali na posibleng bumagsak.
Sa huli ay lubos na nagpasasalamat si Kapitan Napule kaisa ang
emergency response team ng barangay sa pamunuan ng naturang paaralan maging sa
mga mag-aaral nito dahil sa pag-aanyaya sa kanila na maging kabahagi ng
aktibidad. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)