Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ex DA Sec Alcala, nagpost ng piyansa para sa graft case

by Nimfa Estrellado April 30,  2019 Ex Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso J. Alcala  Ang Ex Department of Agricu...

by Nimfa Estrellado
April 30,  2019



Ex DA Sec Alcala, nagpost ng piyansa para sa graft case
Ex Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso J. Alcala 




Ang Ex Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso J. Alcala ay nag-post ng bail na P30,000 sa Fifth Division ng Sandiganbayan para sa kasong graft na isinampa laban sa kanya.

“Today, Proceso J. Alcala, personally appeared and posted bail bond for his provisional liberty in the amount of Thirty Thousand Pesos, under Official Receipt No. 5497801 V dated April 22, 2019,” sabi sa order na may petsang Abril 22.





Ang kaso ng graft ni Alcala ay may kaugnayan sa scheme ng “garlic cartel”, na kung saan ay sinasabing ay diumano monopolyo sa supply ng bawang sa ilalim ng kanyang termino mula 2013 hanggang 2014.

“Let the arraignment and pre-trial of said accused [Alcala] be set on May 24, 2019 at 8:30 in the morning,” sabi ng Fifth Division ng Sandiganbayan.





Kung matatandaan, kinasuhan ng Office of the Ombudsmann si Alcala at 23 pang iba, kabilang ang mga mangangalakal ng bawang at opisyal ng Bureau of Plant Industry (BPI), dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa garlic cartel scheme.

Ayon sa naghain ng charge sheet na si Graft Investigation and Prosecution Officer III Bonifacio Mandrilla, pinaboran ni Alcala at ilang dating opisyal ng Bureau of Plant Industry ang Philippine Vegetable Importers, Exporters, Vendors Association of the Philippines (PHILVIEVA) na mandohin ang supply ng bawang mula 2010 hanggang 2014.

Batay sa ulat, umabot sa higit 5,000 ng kabuuang 8,000-imported garlic ang hinayaan nina Alcala, dating BPI director Clarito Barron, dating National Plant Quarantine Services Division (NPQSD) chief Luben Marasigan at kasalukuyang NPQSD chief Merle Palacpac na i-transfer sa nabanggit na contractor.

Nabatid na tumaas ang presyo kada kilo ng bawang sa nabanggit na mga taon, mula sa P165 hanggang P170. Pumalo pa ito sa P260 hanggang P400 kada kilo.

Sa ngayon inirekomenda muna ni Ombudsman Samuel Martires na pag-multahin ng P30,000 na piyansa ang mga akusado.Bukod kay Alcala at mga nabanggit na opisyal ay may 20 pang iba na kinasuhan.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.