Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ika-23 taong anibersaryo ng Koopnaman Multi Purpose Cooperative, dinaluhan ni Mayor Dondon Alcala

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang ika-23 taong anibersaryo ng Koopnaman Multi-Purpose Cooperative si Mayor Roderick “Dondon” ...


Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang ika-23 taong anibersaryo ng Koopnaman Multi-Purpose Cooperative si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Ginanap ang naturang okasyon sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center sa bahagi ng Brgy. Isabang, Tayabas City.

Kasama rin ng alkalde na dumalo dito sina Councilor Atty. Sunshine Abcede-Llaga at Vic Paulo at ang mga opisyales ng Koopnaman MPC na sina chairperson Mam Josephine Samonte, ang chief executive officer na si Mam Isabel Boco, at iba pa.

Aabot sa tinatayang mahigit na 400 na mga miyenbro mula sa iba’t-ibang mga bayan sa lalawigan ang dumalo sa naturang pagpupulong na ito.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala dito, sinabi nito na sa simula nang maging alkalde siya ng Bagong Lucena ay nagtutungo ito sa ganitong okasyon kung kaya naman ay taon-taon siyang nakikibahagi dito at hindi maaring mawala siya dito.

Buong lugod rin nitong pinasalamatan ang pamunuaan ng Koopnaman MPC dahilan sa ginagawang pagsuporta nnito sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod.

Isa na nga dito ay ang ginagawang pakikipagtulungan ng mga ito para sa itinayong koooperatiba ng mga mangangalakal, garbage collector at driver ng mga garbage truck.

Ayon kay Mayor Alcala, ang mga ito ang umaagapay sa naturang kooperatiba na kung saan ay malaki ang naitulong sa mga nabanggit na benipisyaryo lalo na sa usapin ng pag-iimpok.

Dagdag pa ng punong lungsod, malaki rin ang naitutulong ng nabanggit na kooperatiba para sa mga mamamayan ng Lucena at sa ibang bayan sa lalawigan dahilan sa magandang pamamalakad ng mga ito.

At matapos na makapagbigay ng kaniyang mensahe ay binigyan naman siya ng isang plake ng pagkilala ng mga opisyales ng Koopnaman MPC dahilan sa walang sawang pagtulong at pagsuporta nito sa kanilang samahan.

Ang pagdalong ito ni Mayor Dondon Alcala sa nabanggit na okasyon ay bilang pagpapakita niya ng taus pusong pasasalamat sa lahat ng mga naitutulong at ginagawang pagsuporta ng Koopnaman MPC sa mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.