Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

ILANG PANG MGA BAGONG NEGOSYO, NALALAPIT NG MAGBUKAS SA LUNGSOD

Bilang ng mga naglalagak ng negosyo sa lungsod ng lucena patuloy pa rin na dumarami. Dahilan kamakailan ay nasa mahigit sa 30 mga bagong neg...

Bilang ng mga naglalagak ng negosyo sa lungsod ng lucena patuloy pa rin na dumarami.

Dahilan kamakailan ay nasa mahigit sa 30 mga bagong negosyo ang nalalapit ng magbukas sa lungsod.

Ito ay matapos na lagdaan ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang kanilang mga business permit.

Isinagawa ang nasabing pagpirma ng mga dokumento sa Multi-Purpose Hall sa 4nd floor ng Lucena City Government Complex sa bahagi ng Barangay Kanlurang Mayao.

Bago ang nasabing paglagda sa mga business permit ng mga ito ay ipinaliwanag muna nila Julie Fernandez hepe ng Business Permit and Licensing Office at si Arnold Cayno head ng Public Employment Service Office ang mga dapat gawin ng mga bagong magnenegosyo sa lungsod na naroon sa bulwagan.

Pagkatapos na maipaliwanag ng mga ito ang dapat gawain ay siya naman pagdating ng punong lungsod at masaya siyang binati ng mga ito.

Sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala, nagpasalamat ito sa mga bagong business owner sapagkat napili aniya ng mga ito ang bagong lucena para mag-invest ng kanilang negosyo.

Ayon pa sa Alkalde, palagi rin niyang binabanggit at hiling nila ng tanggapan ng PESO sa pamumuno ni Arnold Cayno sa mga naglalagak ng negosyo sa lungsod ay ang mga magiging tao o empleyado nila ay magmumula sa lungsod ng lucena.

Ayon pa dito mayroon local ordinance na ipinasa sa sangguniang panlungsod na ngayon ay ipinatutupad na nasa 80% dapat ang mga empleyado nila ay lihitimong mga lucenahin.

Dagdag pa ng punong lungsod na ang City PESO at Business Permit and Lisensing Office ay iikot at papasyal sa kanilang opisina upang tiyakin na ang mga karamihain sa nagtatatrabaho sa kanila ay taga lungsod ng lucena.

Sinabi pa ni Mayor Alcala, na kung hindi susunod sa batas na ito ay maaaring maremove o bawiin ang kanilang business permit at maari din maipatigil ang kanilang negosyo.

Samantalang kung halimbawa naman aniya na kulang sila sa empleyado ay andiyan ang tanggapan ng City Peso na kung saan ay magbibigay ng tao na nagsipagtapos at magmumula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena o yon tinatawa ng scholar ng Bayan.

Muli ay sa huli ay binanggit nito na dapat ang mga empleyado ay mula sa lugnsod ng lucena.

At tumugon naman ang mga negosyanting naroon na kanilang tutuparin ang sinabi ng punong ehekutibo.

At nagpapasalamat rin ito dahil sa pagtitiwala nila sa pamahalaan panlungsod sapagkat dito sila ng lagak ng kanilang negosyo sa lucena.

Pagkatapos makapagsalita ni Mayor Dondon Alcala, isinunod na nito ang paglagda sa mga business permit ng mga ito.

Samantalang patunay lamang na maraming mga negosyante ang nagtitiwala sa maganda, maayos at malinis na pamamalakad ng administrasyon ng bagong lucena sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Dondon Alcala. (PIO-Lucena/J. Maceda)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.