Ngayon panahon ng summer iba’t ibang aktibidad ang mga isinasagawa sa bawat barangay para may paglibangan ang mga kabataan. Katulad na laman...
Katulad na lamang ng Volleyball, Baseball at lalo’t higit ang paboritong sports ng bawat pilipino ang Basketball.
Dito sa lungsod ng lucena ay mayroon pa Liga ng Basketball ang pamahalaan panlungsod ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala at ng City Sports Office na ilang linggo na ang nakakalipas ng mag-opening ito.
Ito ay ang Inter-Purok Basketball tournament kung saan ay halos lahat ng barangay ay kasali sa naturang paligsahan at patuloy pa rin itong ginaganap sa bawat barangay.
Samantalang bukod sa nasabing liga ay ang JR. NBA Philippines naman ay mayroon isinasagawang Free Basketball Clinic sa bawat barangay sa lungsod ng lucena.
Na pinangunahan ni Melki Villanueva Jr. NBA International Coach and JrNBA Philippines South Luzon Area Manager at ilang rin mga coaches.
Kung saan itinaturo ng mga ito ng basic skills pagdating sa larong basketball tulad ng Dribbling, passing, shooting at iba pa mula edad na siyam hanggang labing anim lalaki man o babae.
Unang tinungo ng grupo nito Abril 6 taong kasalukoyan ang Barangay Mayao Crossing kung saan ginanap ang aktibidad sa Covered Court ng eskuwelahan ng Bliss Elementary School.
Dito ay nagkaroon muna ng Registration para sa mga participants na inasistihan ng SK Chairman ng naturang Barangay na si Ahra Joy Lacuarin kasama ang ilang pang mga kagawad nito.
Sumunod na araw na tingungo ng mga ito ay ang barangay 10, na dito ay natuwa ang mga kabataan dahilan sa libreng i basketball clinic ang hatid ng Jr NBA.
Nito lamang araw ng kagitingan na kahit pa hollyday ay naturo ang mga ito sa bahagi bahagi ng San Fernando Compound covered court ng mismong ng Barangay Hall Barangay Cotta.
Ilang lamang ang mga barangay na ito sa mga dinayo ng JrNBA para sa libreng Basketball Clinic na ang tanging layunin ang maturuan ang mga kabataan ito pagdating sa skill ng basketball. (PIO-Lucena/J.Maceda)