Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

KALIDAD NA EDUKASYON PARA SA LAHAT – BM BOONGALING

Nasa larawan si LNB Quezon Chapter President at Ex.Officio Board Member Hon.Ireneo"Boyong"Boongaling kasama ang Principal mga gu...

Nasa larawan si LNB Quezon Chapter President at Ex.Officio Board Member Hon.Ireneo"Boyong"Boongaling kasama ang Principal mga guro at mga mag aaral na nagsipagtapos sa Tayabas East Central Schoo llll photos by:PPLB Media Bureau


With reports: Ace Fernandez, Lyndon Gonzales @ La Liga Pilipinas

TAYABAS CITY – “Education is one of the greatest social equalizer”… ang syang kasabihan kung bakit ang lahat ng mga kabataan ay pinangarap ng kanilang mga magulang na makapagtapos sa kanilang pag-aaral. Iginagapang sila gaano man kahirap ang katayuan sa lipunan ng mga taong pinapahalagahan ang kanilang kinabukasan. Ang pagtatapos sa elementary ay unang hakbang sa maraming hakbang sa pagtupad ng mga pangarap na binuo ng kanilang sarili sa gabay ng kanilang mga guro at mga magulang. Ang pag-aaral ng ABAKADA sa simula ng kanilang pagtuklas ng kanilang karunungan ay isang paraan upang patibayin ang pundasyon ng mga batang mag-aaral upang higit pang pagsikapang abutin ang katuparan ng ng kanilang mga pangarap at maging ang ganap ang pagbabahagi sa lipunan ng natuklasang karunungan at talent na makapagbabago sa buhay ng ilan at magbibigay insperasyon sa maraming mamamayan.

Kamakailan ay naging panauhing pandangal si LNB-Quezon Chapter President at Ex-Officio Board Member Hon. Ireneo “Boyong” Boongaling sa ginanap na Commencement Exercises sa Tayabas East Central School III, Tayabas City at sa mensahe ay sinabi niya sa mga Grade VI students na nagsipagtapos na ang “Kalidad na edukasyon para sa lahat”,, ay isang pagpapalala ng kahalagahan ng edukasyon sa pagbuo ng ating mga pangarap. Ito rin ay isang paggunita sa mga kwento ng tagumpay ng ating mga bayani, tulad ng mga sundalo, pulis, at guro na nagpupursigi sa kanilang pag-aaral para mabigyan ng disenteng buhay ng kanilang mga pamilya. Ipinababatid nito sa atin ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbubukas ng mga oportunindad at sa pagkamit ng isang marangal na buhay, isang buhay na hindi lamang para sa ating sarili kundi para sa kapwa.

Anya, “sa inyong pagbaybay tungo sa katuparan ng iyong mga adhikain, maari kayong makaranas ng tagumpay at pagkabigo. Nawa’y ang inyong tagumpay ay magsilbing inspirasyon para sa iba at ang inyong pagkabigo ay mag-udyok sa inyo upang magsikap na mas maging mahusay. Nawa’y ang kolektibong karanasan na ito ay pumukaw ng pag-asa sa atin upang patuloy na mag-hangad ng higit pa para sa ikabubuti ng sarili at ng sambayanan”. Para sa ating mga paaralan, ito nawa’y maging gabay natin sa ating patuloy na pagsulong ng isang de-kalidad na edukasyon na magbibigay kakayanan sa mga Pilipinong mag-aaral na makamit ang mga hangarin sa buhay.:

Ayon pa kay BM Bongaling ang “Pagkakaisa sa Pagkakaiba”, ay hindi po maitatanggi na sa larangan ng edukasyon ay laging magkatuwang ang ginagampanang tungkulin ng tahana’t paaralan ng mga magulang at guro. Subalit sa pagkakataong ito ay binibigyan natin ng pansin ang lahat para “magkaisa” tayong makita ang kahalagahan ng bawat isa na bukod sa mga magulang at guro ay nandiyan mismo ang mga anak na nag-aaral, ang linpunan na kanilang ginagalawan, ang kapaligiran, ang pamahalaang lokal at kagawaran ng edukasyon, siyempre andiyan po ang iyong mga anak na dapat himukin at palakasin ang loob na mag-aral ng mahusay. Walang magagawa ang magulang at guro kung ang may katawan mismo ay ayaw magtiyagang mag-aral”.

Samantala, sa nasabing okasyon ay ibinahagi din ni BM Boyong Boongaling ang kanyang pinagdaanang hirap sa buhay subalit hindi ito naging hadlang upang tumigil sa pag-abot ng kanyang mga pangarap hanggang makarating sa estado ng buhay na kinaroroonan niya ngayon at ng kanilang pamilya.



Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.