Kamakailan ay nakatunggali ng Mayor’s Team ang All Star Team ng barangay Gulang Gulang. Ginanap ang naturang laro sa cover court katabi mism...
Ginanap ang naturang laro sa cover court katabi mismo ng nasabing barangay hall.
Pinangunahan naman ng Anak na panganay ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na si Mark Alcala ang koponan ng Mayor’s team kasama sina Konsehal Third Alcala, SK President Patrick Nadera, at maging ang mga tumatakbo pang konsehal na sina Amer Lacerna, Engr. Wilbert Mckinly Noche, Benito “Baste” Brizuela Jr. ang anak ni Councilor Third Alcala na si Fouth Alcala at maging si Last termer Councilor William Noche ay naroon din.
Bago mag-umpisa ang laro ay nagsalita muna si Kapitan King Abrencillio at nagpasalamat ito sa koponan ng Mayor’s team sa pagdayo ng mga ito sa kanilang barangay.
Bagamat wala ang alkalde ay kinatawan naman ito ni Mark Alcala sa kadahilanan mayroon ito dinaluhan okasyon na nakasabay nito.
At tulad ng binabanggit ng punong lungsod ay sinabi rin ito ni Mark na sa paglalaro ng basketball ay gamitin ang galing huwag ang siko o tuhod na makakasakit ng kapwa.
Matapos ang pananalita nito ay sinimulan na ang paglalaro ng basketball kung saan ay nagpakita ng aking kagalingan ang bawat koponan.
At sa pagtatapos ng unang quarter ay lamang ang mayor’s team ng tatlo sa score ng 20-23.
Ng sumunod na mga quarter ay umabot pa sa sampo ang kalamangan ng mayor’s team.
Ngunit sa mga huling quarter ay nagawang humabol ng all star team ng gulang gulang dahilan sa mga 3 point shot ng mga ito.
Kung kaya naman nagwagi ang koponan ng gulang gulang laban sa Mayor’s Team sa score na 89-81.
Matapos ang exhibiton game ay isinagawa ang award sa mga nanalong team sa bawat purok sa kani-kanilang kategurya.
Na pinangunahan ni Mark Alcala at mga konsehal kasama ang Head ng City Sports sa pamumuno ni Ogie Ng.
Masaya naman ang mga manood sa ipinakitang aking galing ng mga manlalaro ng bawat koponan.
Samantalang Isa lamang ang sports na basketball na sinusuportahan ng punong lungsod at ng pamahalaan panlungsod, dahil ang tangging hanggad punong ehekutibo ay maiiwas ang mga mamamayan lucenahin sa anumang bisyo lalong lalo na sa ipinagbabawal na droga. (PIO-Lucena/J. Maceda)