Pinangunahan ni Gob. David C. Suarez ang pormal na pagsisimula ng proyekto para sa rehabilitasyon ng water supply system na matatagpua...
Ang suliranin sa patubig ang isa sa mga pangunahing problema ng bayan ng Dolores. Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at sa pamumuno ni Mayor Mario Milan, isinulong ng ama ng lalawigan ang pagpapatupad ng nasabing proyekto na kasalukuyang nasa Phase I.
Ayon kay Gob. Suarez, ang pagkakaroon ng tamang resources ang isa sa mga itinuturing na sagot upang mabigyan ng solusyon ang nasabing suliranin kasabay ng pagkakaroon ng mahusay na sistema.
“Minarapat po ng inyong abang-lingkod na pag-aralang mabuti kung ano ba ang tamang paraan para mabigyan na natin ng tamang solusyon itong problema ng tubig sa bayan ng Dolores. Dito po sa Dolores ay maraming tubig, kailangan lang po nating ma-tap yung resources nila.” ani Gob. Suarez.
Dagdag pa niya, ang kanyang prinsipyo bilang isang lingkod-bayan ay ang makapagbigay ng mga proyekto at programa na magbibigay-sulosyon sa mga problema ng mga Quezonian.
“Ang prinsipyo ko bilang isang naglilingkod, ako po ay nandito dahil pinagkatiwalaan niyo kami sa isang trabaho na kailangan naming gawin. At ang aming trabaho ay magbigay ng proyekto at programa na sosolusyon sa mga problema ninyo. Ito, ang problema natin ay tubig. At isang napakalaking karangalan para sa akin na sa pamamagitan po ninyo, na nagtiwala sakin na maging gobernador ay may solusyon tayo na naibibigay sa bayan ng Dolores, Quezon.” ayon sa gobernador. (Quezon – PIO)