Editorial Ang Mayo 1 ay Araw ng mga Mangagawa. Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang kagitingan ng mangagawang Pilipino. Ang Ar...
Ang Mayo 1 ay Araw ng mga Mangagawa. Sa araw na ito ay ipinagdiriwang natin ang kagitingan ng mangagawang Pilipino. Ang Araw ng Manggagawa ay taunang pista na pinagdidiriwang ang pang-ekonomika at panlipunang nagawa ng mga manggagawa. Nagsimula ang Araw ng Paggawa sa mga kilusang unyon, partikular ang “walong-oras na araw” na kilusan, na sinusulong ang walong oras para sa trabaho, walong oras para sa libangan, at walong oras para sa pahinga.
Sa Pilipinas, ipinagdiriwang ito tuwing Mayo 1. Kinikilala natin ang kanilang napakahalagang ambag sa pag-unlad ng ating bansa. At pinapahalagahan natin ang kanilang pagpupunyagi at pagsisikap na makatulong pa ng higit sa paglilinang ng maaliwalas na bukas. Kaya naman, kaisa ng mga opisyal at kawani ng Kagawaran ng Paggawa at Paghahanapbuhay, malugod kong pinapaabot ang isang maliiit na pagbati sa lahat ng kapwa ko manggagawa na nasa pribado ng publikong sector, sa loob at labas ng bansa.
Ang manggagawang Pilipino ay katuwang natin sa pagbabago. Masipag, buo ang loob, at may matatag na pananalig sa sarili at sa Panginoong Diyos. Dahil dito, kinikilala ang kaniyang husay at abilidad, hindi lamang dito sa Pilipinas, kundi maging sa iba’t ibang panig ng daigdig. Anumang pagsubok ay kaya niyang harapin at pagtagumpayan maabot lamang ang kaniyang mga pangarap para sa sarili, para sa pamilya, at para sa bayan.
Ang Araw ng Paggawa sa taong ito ay may temang, Manggagawang Pilipino: Handa sa Hamon ng Makabagong Panahon. Ito ay pahayag na bagama’t marami na tayong pinagdaanan, napanday ang loob at diwa ng manggagawang Pilipino ng mga karanasang nagbigay-aral at tunay na nagpatatag sa atin.
Disente at sapat na trabaho para sa lahat – ito ang pangarap na nais makamit ng ating Pamahalaan.
Dalangin ko na ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa taong ito ay maging makabuluhan para sa lahat ng manggagawang Pilipino. Hangad ko ang patuloy nilangkagalingan, sa pangangatawan at sa pag-iisip.
Ikinararangal kong maging isang Pilipino, isang mangagawang Pilipino.