Dumalo sa ginanap na reunion ng Batch 1989 ng Quezon National High School si Mayor Roderick “Dondon” Alcala kamakailan. Isinagawa ang natura...
Isinagawa ang naturang aktibidad na ito Gym ng Quezon High kung saan bago pa man pumasok ng Gym ang Alkade ay sinalubong na siya ng chairman ng batch 89 na si Mitz Babeloña at ilang pang mga opisyal nito.
At ng makapasok na sa mismo covered court ang Alkalde ay mainit naman ang pagtanggap ng lahat dito at pinalakpakan pa ito.
Magiliw naman na nakipagkamay si Mayor Dondon Alcala sa lahat ng mga naroon.
Sa ilang pakikipagkamay nito ay may pangilan-ngilan na nagpapakuha ng litrato dito habang nanonood ng intermission number.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Alcala, binanggit nito na mas maganda aniya na nagkakaroon ng reunion ang kanilang batch.
Ayon pa dito sa ganitong okasyon ay makakapag-kuwentuhan at magbabalik tanaw sila kung ano ang mga pangyayari noong sila ay napasok pa sa paaralan ito.
Ayon pa dito napag-uusapan rin nila kung sino yong mga magagaling sa klase at sino yong mga mababait.
Dagdag pa ni Mayor Dondon Alcala, na dito rin ay nagkukumustahan kung ilan na ba ang kanilang mga anak at mga apo.
Pabiro naman sinabi ng punong lungsod, na dito rin sa reunion napagkukuwentuhan kung ano na ba ang kanilang Maintenance sa katawan.
At kagandahan sa pagsasama-sama nila ay marami ang kanilang napagkukuwentuhan at bonding na rin.
Samantalang ipinagmalaki naman ng punong ehekutibo ang mga proyekto at programa na kaniyang nagawa sa lungsod ng lucena.
Sa unang termino nito ay proyekto na napakikinabangan na ng mamamayang lucenahin ang Lucena City Government Complex at ang tinatawag na Palengke Mall.
Sa pangalawang termino ay makikita ang kasalukuyang construction ng Bagong Lucena Convention Center, Police Station, rehabilitation ng Lumang City Hall, Repair ng DLL at ang nalalapit ng matapos na City Health Building.
Ganoon din ay ang serbisyo at programa para sa mga mamamayan ang tinatawag na from womb to tomb, mga pabahay para sa mga empeyado ng pamahalaan panlungsod, tulad ng DonVictor Ville, tenements at iba pa.
Matapos naman ang pananalita ni Mayor Dondon Alcala ay binigyan ito ng cetificate of Appreciation bilang pasasalamat ng mga ito sa butihin Mayor.
At sa huli ay kaniya kaniyang pagpapalitrato sa Alkalde ng bawat nasa table at game na game naman ang punong lungsod sa pagpapaselfie dito. (PIO-Lucena/J.Maceda)