Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang seminar hinggil sa sakit na Tubercolosis o TB si Mayor Roderick “Dondon” Alcala. Ginanap an...
Ginanap ang nasabing seminar sa open grounds ng Lucena City Govrnment Complex na kung say ay pinangunahan ito ng city health officer sa pamumuno ni City Health Officer Dra. Jocelyn Chua.
Nakasama rin ng alkalde sa okasyong nabanggit sina aspiring city councillors Americo “Amer” Lacerna at Engr. Jose Christian Ona gayundin ang anak ng tumatakbong kongresista ng ikalawang distrito ng lalawigan na si Engr. Proceso Alcala at dating kongresista na si Irvin Alcala.
Sa ilalim ng nasabing seminar binibigyang kaalaman ang mga dumalo dito mula sa mga barangay ng Dalahican at Kanlurang Mayao hinggil sa sakit na tuberculosis.
Ipinaaalam rin sa mga ito ang mga nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng ganitong uri ang isang tao at mahigpit na ipinagbibigay alam rin ng mga naging tagapagsalita dito na hindi dapat pandirihan ang mga taong may sakit nito.
Anila hindi nakakahawa ang sakit na TB sa pamamagitan ng mga ginamit nito bagkus ay nahahawa lamang ang mga tao dito sa pag-ubo at pagbahin ng may sakit nito sa ibang tao.
Samantala, sa naging pananalita ni Mayor Dondon Alcala kaniyang binigyang pasasalamat ang lahat ng mga tauhan ng city health office lalo’t higit si city health officer Dra. Joy Chua sa pagsasagawa ng ganiotng uri ng aktibidad.
At matapos na makapagbigay ng kaniyang pananalita ay binisita ng alkalde ang mga pasyente nito na nagpapa x-ray na kung saan ay libre rin itong ipinagkaloob sa mga dumalo dito.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga nabiyayaan ng nasabing seminar at libreng x-ray na ito sa pamahalaang panlungsod lalo’t higit kay Mayor Dondon Alcala as pagkakaroon ng naturang aktibidad.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng seminar at libreng x-ray ay naisakatuparan sa pagnanais na rin ni Mayor Dondon Alcala na ang lahat ng mga Lucenahin ay maging malusog at mailayo sa anumang uri ng sakit. (PIO Lucena/ R. Lim)