Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Dondon Alcala dumalo sa isinagawang Philhealth Information and Education Campaign

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang seminar ng Philhealth na Information and Education Campaign si Mayor Roderick “Dondon” Alca...

Dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang seminar ng Philhealth na Information and Education Campaign si Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa multi-purpose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay dinaluhan ito ng mahigit sa 200 mga Lucenahin mula sa iba’t-ibang barangay sa lungsod.

Nakasama ng alkalde dito sina aspiring city councillor Americco “Amer” Lacerna at City Health Officer Dra. Jocelyn Chua.

Sa naging mensahe ng alkalde sa naturang seminar, kaniyang bingyang pasasasalamat ang mga tauhan na nagmula sa Philhealth sa pagsasagawa ng ganitong uri ng seminar na kung saan ay nilalayon na ipaalam sa mga miyembro nito ang mga benipisyong kanilang matatangap dito.

Gayundin lubos ring pinasalamatan ni Mayor Alcala ang lahat ng mga tauhan ng City Health Office lalo’t higit si Dra. Chua sa patuloy na pag-agapay nito sa mga Lucenahin.

Ipinaliwanag rin ng punong lungsod sa lahat ng dumalo dito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Philihealth bilang katuwang ng pamahalaang panlungsod sa programang Bagong Lucena Health Program.

Aniya, sa programang ito ay nagtutulungan ang city government at ang naturang ahensya na walang bayaran ang magiging pasyente sa mga pribadong ospital sa lungsod.

Sakali naman aniyang walang Philhealth ang mga sasailalim sa BLHP ay mismong ang mga tauhan ng CHO ang mag-aasikaso ng mga kailangan ng mga ito upang magkaroon ng record sa nabanggit na tanggapan.

Ayon pa din kay Mayor Alcala, sa ilaim ng programang BLHP, ang mga pasyente nito ay inihahatid sa apat na pribadong ospital sa lungsod na katuwang ng city government sa pagpapatupad ng proyektong ito.

Dito ay mga espesyalistang doctor ang tumitingin sa pasyente at kapag magaling na ang mga ito ay inihahatid rin sila patungo sa kanilang mga tahanan.

At matapos na makapagbigay ng mensahe si Mayor Dondon Alcala ay binigyang pasaslamat rin naman ito ngmga tauhan ng Philhealth sa ginawang pagtitiwala at pakikipagtulungan sa kanilang tanggapan.

At dahilan na rin sa pagkakaroon ng ganitong uri ng proyekto, lubos na pasasalamat ang ipinahahayon ng mga pasyente at pamilya ng sumailalim sa programang ito ni Mayor Dondon Alcala dahilan sa nakapagpagamot sila ng walang kahit na anumang binayaran at mga espesyalistang doctor mula sa pribadong ospuital pa ang kumunsulta sa kanila.

Ang programang Bagong Luena Health Program ay isa samga pangunahing programa ni Mayor Dondon Alcala pagdating sa usapin ng kalusugan.

Ito ay dahilan sa pagnanais niyang mabigyan ng kaukulang pansin ang mga Lucenahin na nagkakaroon ng karamdaman ngunit hindi kayang makapagpagamot sa pribadong ospital. (PIO Lucena/ R. Lim)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.