“Sa tambalan po naming ni Vice mayor Philip Cstillo, makakaasa po kayo na kayo pong lahat ay tutulungan at aayusin po natin ang inyopong mga...
Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala hinggil sa ginagawa niyang patuloy na pagsuporta sa sector ng urban poor sa Lucena.
Inihayag ng punong lungsod ang mga katagang nabanggit sa ginanap na pagpupulong ngmga urban poor leaders sa lungsod sa muti-purpose hall ng Lucena City Government Complex kamakailan.
Ayon pa kay Mayor Dondon Alcala, ang ilan sa mga ginagawa niyang pagtulong sa naturng sector ay ang pakikipag-usap nito sa lahat ng mga may-ari ng lupa upang mapababa ang presyo nito.
Ito ay dahilan na rin sa pagnanais niya na ang mga lupang ito ay mabayaran sa murang halaga ng mga naninirahan sa nabanggit na urban poor.
Dagdag pa rin ng punong lungsod, nararapat lamang aniya na hindi dapat pinagtutubuan ang mga naninirahan sa urban poor maging ang mga mamamayan ng sa lungsod.
Isang tagubilin rin ang sinambit ng alkalde sa lahat ng mga urban poor leaders sa lungsod at ito ay ang pagre-remit ng mga hulog ng kanilang mga miyembro.
Ang ginawang pahayag na ito ni Mayor Dondon Alcala ay sa pagnanais na iparating sa lahat ng mga lider ng urban poor sa lungsod na sa simula nang maging alkalde siya ng bagong Lucena ay palagian na siyang tumutulong sa mga ito at maging sa hanggang ngayon ay palagian hsiyang nakahandang tumulong sa kanilang samahan sa abot ng kaniyang makakayanan dahil isa samga hinahangad ng punong lungsod ay ang maging sa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. (PIO Lucena/ R. Lim)