Upang mas lalo pang maging maayos ang kanilang pagtratrabaho, pinagkalooban ng mga bagong uniporme ang mga co-aides at eco-police ng lungsod...
Mismong si Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang nagkaloob ng mga bagong kagamitang nabanggit na ginanap sa conference room ng Mayor’s Office.
Nakasama ng alkalde sa pamamahaging ito sina Konsehal Anacleto Alcala III at Vic Paulo gayundin ang hepe ng City General Services Office na si Mam Rosie Castillo.
Ayon kay Mayor Alcala, napakapalad ng mga tagapaglingko d ng kalinisan sa lungsod dahilan sa palagiang inaalala ang mga ito ng kanilang hepe.
Aniya, palagian siyang sinasabihan ni Mam Rosei Castillo hinggil sa mga pangangailangan ng mga eco-aides at eco-police ng Lucena upang mas maging maayos ang kanilang pagtratrabaho.
Nagbigay tagubilin rin ang punong lungsod sa mga eco-police ng lungsod at ito ay ang hindi dapat gamitin ng mga ito ang kanilang kapangyarihan na manghuli sa pang-aabuso at gamitin ito sa tama.
At para naman sa mga eco-aides, nararapat aniya na panatilihin ngmga ito ang kanilinsan at kaayusan gayundin ang pagiging magalang sa mga pagkukuhanan ng mga ito ng basura.
At matapos ang naging pananalita at pagbibigay tagubilin ni Mayor Alcala ay pormal nang ipinagkaloob sa mga ito ang kanilang uniporme.
Labis naman ang naging pasasalamat ng mga eco-aides at eco-police kay Mayor Dondon Alcala sa pagbibigay sa kanila ng karagdagang unipormeng nabanggit.
Ang pagkakaloob ng mga bagong kagamitang ito para sa nasabing benipisyaryo ay upng mas maging maayos ang kanilang pagtratrabaho gayundin ang maging kaaya-aya ito sa mga Lucenahin na pangongolektahan ng basura.(PIO Lucena/ R. Lim)