Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga kababaihan na naging lingkod-bayan, binigyang parangal

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2019 National Women’s Month noong nakaraang buwan ng Marso, binigyang pagkila...

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2019 National Women’s Month noong nakaraang buwan ng Marso, binigyang pagkilala ang ilang mga kababaihang namuno at kasalukuyang namumuno sa iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan gayundin ang mga former at incumbent brgy. Chairwomen at brgy. Kagawads sa bawat barangay sa lungsod.

Ang nasabing pagkilala ay alinsunod din sa resolusyon na isinulong ni Konsehala Atty. Sunshine Abcede-LLaga, chairperson ng Sangguniang Panlungsod Committee on Social Welfare Services kaisa ang mga miyembro ng konseho kabilang sina Councilor Nick Pedro, Councilor Vic Paulo, Coun. Dan Zaballero at iba pa.

Ginawaran ang mga naturang kababaihan ng sertipiko ng pagpapahalaga para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa larangan ng pamamahala at paglilingkod sa kani-kanilang mga barangay o tanggapan na pinamumunuan.

Kaisa rin ito sa nilalaman ng section 14 sa ilalim ng article 2 ng 1987 constitution ng republika ng pilipinas na kung saan ay naglalayong kilalanin ang naging papel ng mga kababaihan sa pagbuo ng bansa gayundin ay upang bigyang halaga ang pagkakapantay-pantay o fundamental equality sa pagitan ng mga babae at lalaki.

Nakapaloob rin dito ang pagpapahalaga sa angking abilidad, katapangan at katatagan ng mga kababaihan na nasa larangan ng politika, sa patuloy nilang pamumuno at paghangad na makatulong sa pagpapaunlad ng lungsod sa kabila ng iba’t ibang balakid na maaari nilang maranasan.

Matatandaang nakasaad din sa itinakdang resolusyon noong 2011 United nations general assembly na ang mga kababaihan sa lahat ng bahagi ng daigdig ay patuloy na pinahihintulutan na maging kabahagi ng pampulitikang kalagayan.

Sa naging pahayag ni Abcede, tinatayang nasa mahigit sa tatlumpong kababaihang lingkod bayan ang kinilala magmula sa mga dati at kasalukyang kapitan at mga barangay kagawad.

Gayundin ang mga department of heads at chief of offices kabilang sina Lerma Fajarda ng Urban Poor Affairs Division, Miled Ibeas ng City Library, Allysa Mijares ng City Gender and Development, Salome Dato ng Office of the Senior Citizens Affairs, Engr. Raquel Nuera ng City Zoning, Rosie Castillo ng City General Services at City Budget Office, Francia Malabanan ng City Anti-Drug Abuse Council at iba pa.

Nagpapatunay naman ang isinagawang aktibidad ng pakikiisa ng pamahalaang panlungsod sa pagsulong ng pagkakaroon ng mga babaeng mamumuno na siyang maituturing na isa sa nakakapag-ambag sa patuloy na pag-unlad ng komunidad. (PIO-Lucena/ M.A. Minor)

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.