Bilang katuwang ng pamahalaang panlungsod sa pagbabantay ng kalinisan at kalikasan, hinikayat ni konsehal vic paulo ang mga eco-police at ...
Bukod sa hindi pagsesegrega ng mga basura at pagtatapon ng mga ito sa mga pampublikong lugar gaya ng kalsada, kalye, kanal, drainage, parke, plaza, mga establishmento , simbahan , ilog , at dagat, isa sa mga prohibisyon na madalas na labagin ng publiko ay ang pagsusunog ng basura.
Ayon sa article 13, section 47 e ng nasabing ordinansa, ang pagsusunog ng basura o open burning of waste ay isang gawaing ipinagbabawal sa lungsod. Ang mga mahuhuling lumalabag dito ay kailanang magmulta nang naaayon sa kautusan.
Kaugnay nito, hinikayat ni konsehal vic paulo ang mga eco-police at eco-aide na maging mapagmatyag at alisto. Dapat rin umanong alam ng mga ito ang nilalaman ng lucena city ecological solid waste management act nang sa gayon ay magampanan nang mabuti ang mga tungkuling nakaatang sa kanila.
P500 multa , 1 oras na community service, at 2 oras na ecological solid waste management o esmm orientation ang ipapataw sa unang paglabag, habang p1000, 2 oras na voluntary community service at 2 oras na esmm orentation naman sa ikalawang pagkakataon.
Anim na oras na voluntary community service, isang araw na esmm orientation at p150o na multa ang ipapataw sa ikatlong pagsuway, habang p5000 at isang taong pagkakakulong naman ang kaparusahan sa ika-apat at mga susunod pang paglabag. (pio lucena/c.zapanta)