Kamakailan ay kumalat ang video sa social media ang di umano akusasyong ng dating Mayor ng lungsod ng lucena. “Na ayon dito ay “walang binab...
Kamakailan ay kumalat ang video sa social media ang di umano akusasyong ng dating Mayor ng lungsod ng lucena.
“Na ayon dito ay “walang binabayaran daw ang mga estudyante, kaya naman walang malasakit mag-aral ang mga ito.
Tutal libre naman lahat, wala rin naman binabayaran ang mga magulang dito.
At bumaba ang kalidad ng edukasyon sa city college na ngayon ay DLL ito umano ang nangyayari ngayon ayon sa dating Punong Lungsod”.
Kung kaya naman ay binuksan ang usaping ito ni Konsehal Nicanor “Manong Nick” Pedro sa sangguniang panlungsod at ito ang ilang sa mga binanggit niya sa pribilehiyong talumpati nito kamakailan.
Ayon kay Pedro, ang implikasyon ng ganoon pahayag ay nakaka-insulto sa pagka-tao ng mga estudyanteng Lucenahin sa DLL.
Ayon pa dito nagbibigay diin sa wala aniyang basehang paghamak sa talino at kakayahan ng mga iskolar sa kolehiyo ng siyudad.
Dagdag pa ni Councilor Pedro, ipinahayag pa ng dating Alkalde gusto rin palabasin nito na halos umano ilang taon ng libreng pag-aaral sa kolehiyo na ipinagkakaloob ng city government sa mga kabataang lucenahin ay mali at hindi karapatdapat.
Kaya sa pahayag ng dating Mayor ay maraming mga kabataan ang naging estudyante ng DLL ang hindi nagustuhan ang aligasyon sa kanilang mga kabataang lucenahin.
Kaniyang sinuportahan ni Konsehal Manong Nick Pedro ang mga sentimento ng ilang mga estudyante ng Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena.
Sa panayam naman ng TV12 kay Councilor Pedro, ay sinabi nito na unfair, baseless at hindi tama ang alegasyon doon sa mga estudyante ng DLL.
Sinabi pa ni Pedro, mayroon naman pamantayan ang DLL at katulad ng nabanggit niya mayroon mataas na antas ng pamantayan sa naturang unibersidad.
Kaya naman aniya walang basehan ang sinasabi na bumaba ang kalidad ng edukasyon sa DLL, na sakadahilanan na libreng pag-aaral ng mga estudyante o iskular dito.
Idinagdag pa ni Pedro, na mayroon mga required sa naturang eskuwelahan na kailangan magampanan bago maiaward ang scholarship.
Samantalang ang nasabing pribiliheyong talumpating ito ni Konsehal Pedro ay sinuportahan ng mga kasamahan niyang konsehal. (PIO-Lucena/J.Maceda)