Kamakailan ay muling namahagi ng palay seeds ang pamahalaan panlungsod sa ilang mga magsasaka sa lungsod ng lucena. Sa pagkakataon ito...
Kamakailan ay muling namahagi ng palay seeds ang pamahalaan panlungsod sa ilang mga magsasaka sa lungsod ng lucena.
Sa pagkakataon ito ay ang mga binigyan ng mga pananim na ito ay yong mga apektado naman ng el niño.
Bukod naman sa palay seeds na ipinamahagi ay nagbigay rin ng mga Native Swine o Native na Baboy.
Ginanap ang naturang aktibidad na ito sa harapan ng Lucena City Government Complex.
Na pinangunahan ng City Agriculturist Office na pamumuno ng head nito na si Melissa Letargo at ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala.
Kasama rin ng Alkalde sa nasabing pagbibigay na ito Vice Mayor Philip Castillo at sina Konsehal Third Alcala, Konsehala Atty. Sunshine Abcede Llaga, Konsehal Nick Pedro, Konsehal Vic Paulo.
Ganoon din ang dating mga konsehal na sina Amer Lacerna, Danny Faller, present din ang mga aspiring councilor sina Engr. Wilbert Mckinly Noche anak ni Konsehal William Noche, Engr. Christian Ona, anak ni Konsehal Benny Brizuela na si Benito Baste Brizuela Jr. at anak ni Vice Mayor Castillo na si German Ver Castillo.
Kung saan ay nabigay na kani-kanilang mensahi at pagsuporta sa mga magsasaka.
Sa naging pananalita naman ni Mayor Dondon Alcala,nagpasalamat ito sa City Agriculturist Office dahil sa bago dumatin ang el niño sa lungsod ng lucena ito naman aniya ay pinaghandaan na.
Ayon pa dito kung kaya mayroon ipinamigay na certified seeds at native swine na kanilang aalagaan at ito ay inihahandog ng pamahalaan panlungsod.
Sa pamumuno niya at ni Vice Mayor Castillo at lahat ng kasamahan niyang konsehal sa sangguniang panlungsod.
Sinabi pa ng Alkalde, hindi umano tayo makakaiwas kapag nagkakameron ng problema kagaya ng el niño.
Kung kaya naman palaging nakaalalay at nakasuporta ang pamahalaan panlunsod sa mga magsasaka kapag ganitong panahon ng el niño.
At maging sa mga darating pang mga araw ay parating gumagawa ng pamamaraan ang administrayon ng bagong lucena sa pamumuno ni Mayor Dondon Alcala na ang tanging hanggad ay tumaas pa ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka sa lungsod ng bagong lucena.
Samantalang matapos ang pananalita ng punong lungsod ay isinagawana ang pamamahagi ng palay seeds 130 bags na kung saan ay naibigay dito mahigit sa 100 mula sa mga barangay ng Salinas Ibabang Talim, Domoit, Ibabang Iyam, Isabang at Silangan Mayao.
Mahigit naman sa 54 native swine at dito ay nasa mahigit sa 46 ang nabiyayaan nito na nagmula sa mga Barangay Mayao Castillo, Mayao Parada, Silangan Mayao, Mayao Crossing, Isabang, Ibabang Iyam, Salinas, Domoit, Ibabang Dupay, Ilayang Dupay at Ibabang Talim.
Nagpasalamat naman ang mga magsasakang ito kay Mayor Dondon Alcala sa ibinigay sa kanilang mga Palay Seeds at Native na Baboy malaking tulong umano ito para sa kanilang ikabubuhay. (PIO-Lucena/J. Maceda)