Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PANGGAGAWA NG ECO-BRICKS MULA SA MGA BASURA, ISA SA MGA HAKBANGIN NG LOKAL NA PAMAHALAAN UPANG TUMAGAL PA ANG OPERATION TIME NG SANITARY LANDFILL

Ang mga basura na nakakaperwisyo sa kalusugan at kalikasan ay maaaring maging malaking kapakinabangan para sa maraming mamamayan, ito ang na...

Ang mga basura na nakakaperwisyo sa kalusugan at kalikasan ay maaaring maging malaking kapakinabangan para sa maraming mamamayan, ito ang nais na bigyang diin ng hepe ng ng solid waste management division na si rosy castillo.

Bukod sa patuloy na pag-papatupad ng mga ordinansang pangkalikasan, panggagawa ng mga eco-bricks ang isa sa mga hakbangin ng solid waste management division upang maibsan ang problema sa basura at mas mapatagal pa ang operating time ng sanitary landfill.

Ayon kay castillo, malaki rin ang kapakinabangan ng panggagawa ng mga eco-bricks upan ang tone-toneladang basura sa araw-araw ay mabawasan at mapakinabangan.

Malaking porsyento raw kasi ng mga itinatapon sa sanitary landfill ay mga non-biodegradable na basura na libo-libong taon pa bago mabulok o masira.

Kaya naman ang mga plastic, bote, at sachet ng iba’t-ibang produkto at pagkain na nakokolekta ng mga garbage collectors mula sa mga barangay araw-araw ay kanilang sinesegrega at pagkatapos ay ginigiling sa makina. Matapos na magiling ang mga basura, hinahaluan na nila ito ng semento at buhangin at saka naman huhulmahin.

Bukod umano sa nakapagbibigay ito ng trabaho sa komunidad, marami na ring nakinabang at natulungan ang kanilang tanggapn sa mga gawa nilang eco-bricks.

Sa nakalipas na isang taon raw kasi, nakapagproduce na ang kanilang tanggapan ng 10, 500 piraso ng eco-bricks na kung susumahin ay nasa p150, 000 ang halaga.

75% ng mga ito ay kanilang ipinamahagi sa iba’t-ibang eskwwelahan, non-government agencies, organisayon , at barangay upang siyang magamit na materyales sa pagtatayo ng iba’t-ibang imprastraktura gaya ng bahay, eskwelahan at iba pang community buildings.

Pinipinturahan rin nila ang mga gawa nang eco-bricks nang sa gayon ay maging kaakit-akit sa paningin. (pio lucena/c.zapanta)



Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.