Sa pagnanais na makatulong ang sangguniang barangay ng Barra sa paggabay sa mga magulang hinggil sa tama at responsableng pagpapalaki sa k...
Sa pagnanais
na makatulong ang sangguniang barangay ng Barra sa paggabay sa mga magulang
hinggil sa tama at responsableng pagpapalaki sa kani-kanilang mga anak,
nag-organisa ang pamunuan ng isang seminar hinggil sa responsible parenthood.
Dinaluhan ito
ng mga mamamayan ng barangay na tahasang nakinig sa mga nagsalita at nagbigay
ng tips at advices kung paano mas maaalagaan ang mga anak at maipadama sa mga
ito ang kahalagahan ng mga payo mula sa kanilang mga magulang.
Ang naturang
seminar ay makakatulong rin sa mga kabataan upang mas magabayan sila ng
kanilang mga ama at ina, na isa sa pangunahing kailangan ng mga ito lalo’t
higit ang pagdating sa iba’t ibang makamundong usapin na nagaganap sa bansa
sangkot ang mga kabataan tulad na lang ng paggamit ng ipinagbabawal na droga.
Kasabay nito
ay tinalakay din sa aktibidad ang mga usapin hinggil sa kampanya ng pamahalaan
para sa pagsugpo sa karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan o violence
against women and children.
Sa ganitong
paraan ay magiging bukas ang mga kababaihan at ang mga magulang ng mga kabataan
sa mga hakbanging maaari nilang isagawa kung makadanas man ng karahasan o
pagmamalupit dulot ng ibang tao.
Sa huli ay
natapos ng matagumpay ang aktibidad at nagpasalamat ang pamahalaang barangay sa
pangunguna ni Kapitana Amy Sobreviñas sa lahat ng nakiisa sa aktibidad. (PIO-Lucena/M.A.Minor)