Upang maging kaaya aya ang kanilang paligid at sa lahat ng mga nasasakupang lugar nagsagawa ng clean up drive ang sangguniang barangay 8 kam...
Pinangunahin ito ng kanilang punong barangay Amadeo Mandy Suarez kasama ang ilang mga barangay kagawad, eco Aid at ilang pang mga residente sa kanilang lugar.
Tinabasan nila ang mga naglalaguan ng mga damo sa bawat gilid ng kalsada.
At maging ang ilang bakanteng lote na ginawanang basurahan ng ilan ay kanilang nilinis.
Layunin ng kanilang ginawang paglilinis na ito ay upang maging maaliwalas sa paningin ng bawat makakakita at makadadaan sa bawat lugar sa kanilang barangay.
At upang hindi rin ito pagbahayan ng mga lamok na maaaring may dalang sakit na dengue.
Samantalang nanawagan ang kapitan ng barangay 8 na si Mandy Suarez sa kaniyang mga kabarangay na ugaliin na maglinis sa kanilang paligid.
Upang maiiwas sa anumang sakit dulot ng nagagaling sa mga basura o kanal sa kanilang bakuran o tahanan.
Ganoon din ay palagian paalala sa kaniyang mga kabarangay na magsegregate ng basura at ilagay sa tamang oras ng pagdaan ng truck ng basura. (PIO-Lucena/J. Maceda)