Bilang pagpapakita niya ng pagmamahal sa sector ng urban poor sa lungsod, dumalo bilang panauhing pandangal sa isinagawang seminar para sa m...
Ginanap ang naturang aktibidad sa multi-pupose hall ng Lucena City Government Complex na kung saan ay nakasama niya dito si aspiring city councillor Americo “Amer” Lacerna.
Nagmula pa sa mga urban poor association ng Coastal, Ibabang iyam, Ibabang Dupay at Marketview ang mga naging partisipante dito.
Naging guest speaker naman sa nabanggit na okasyon si Robert Bonifacio, ang area coordinator ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa Urban Poor Affairs Divion, ang naturang seminar na nabanggit ay palagiang isinasagawa ng PCUP para sa mga bagong halal na opisyales ng samahan at maging sa dati nang nanunungkulan upang ipaalam sa mga ito ang kanilang tungkulin bilang opisyales ng kanilang homeowners association.
Samantala sa naging pananalita naman niMayor Dondon Alcala sa mga dumalo dito, kaniyang ipinabatid ang ilan sa mga nagawa na nang kaniyang adminstrasyon sa usapin ng urban poor sa lungsod.
Aniya, sa simula nang manungkulan siya alkalde ng Bagong Lucena ay agad na gumawa siya ng mga hakbangin upang matulungan ang nasabing sector.
Ilan sa mga usaping ito ay ang ginagawa niya maging hanggang sa ngayon na pakikipag-usap sa mga may-ari ng lupa upang pabababain ang presyon nito at nang sa ganun ay maging maliit lamang ang babayaran ng mga naninirahan dito.
Binigyang pasasalamat rin ni Mayor Alcal ang lahat ng mga urban poor leaders sa ginagawang patuloy na pagsuporta at pagmamahal nito sa kaniya.
Sa puntong iyon ay binigyang pasasalamat rin ng mga dumalo dito ang aklade sa patuloy nitong pagtulong sa kanilang samahan at sa lahat ng mga naninirahan sa urban poor sa Lucena upang mapasa kanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tahanan.
Ang pagdalong ito ni mayor Dondon Alcala sa naturang seminar ay upang ipakita sa mga ito ang kaniyang pagsuporta samga bagong halal na opisyales ng kanilang samahan at upang alamin rin sa mga ito ang kanila pang mga pangangailangan upang sa ganun ay agarang mabigyan ng kaukulang solusyon ang mga ito. (PIO Lucena/ R. Lim)