Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Warning ng PAGASA at PHO, mag-ingat sa tindi ng init

154th National/69th World Meteorological Day (Photo Courtesy by PAGASA) by Lolitz L. Estrellado LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinaalalah...

154th National/69th World Meteorological Day (Photo Courtesy by PAGASA)

by Lolitz L. Estrellado

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Pinaalalahanan at binigyang-babala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at ng Quezon Provincial Health Office (PHO) ang publiko na mag-ingat lalo na ang mahihina ang katawan laban sa nararanasang matinding init ng panahon sa buong bansa na dulot ng El Niño.

Ayon sa PAGASA, halos lahat ng lugar sa bansa ay nakakaranas na ng matinding init na ang heat index ay 32 degree celcius hanggang 41 degree celsius sa ilalim ng extreme caution category na ang ibig sabihin ay maaaring dumanas ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke ang mga tao dahil sa tindi ng init.

Ang heat index ay may apat na level - caution, extreme caution, danger at extreme danger.

Ang mga lugar na nakakaranas ng 27-32 degree celsius heat index ay nasa ilalim ng caution category; extreme caution category, 32-41; danger category, 41-54 at extreme danger category ay 54 degree celcius heat index.

Sabi ng PAGASA, kung wala namang gagawin ay manatili na lamang sa loon ng bahay at kung walang airconditioning ang bahay ay manatili sa pinakamababang palapag ng tahanan na malayo sa init ng araw.

Kung lalabas ng bahay ay magsuot ng mga maninipis na damit at hindi matingkad na kulay na kasuotan. Ang light colors ay magre-reflect ng enerhiya ng araw.

Ugaliin ding uminom ng tubig upang makalma ang pakiramdam ng katawan.Kapag kakain, dapat konti-konti lang kahit maya’t maya at huwag kakain ng mataas sa protina dahil magdudulot ito ng pagtaas ng init ng katawan.

Huwag ding iinom ng alak dahil mababawasan nito ng tubig ang katawan.

Sa kabilang dako, pinag-iingat naman ng Quezon Provincial Health Office (PHO) ang lahat para maiwasan ang masamang naidudulot ng matinding init sanhi ng santing na sikat ng araw sa katawan at kalusugan.

Ayon kay Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang pinakamatinding dulot ng labis na init ng panahon ay ang heat stroke na nakamamatay.

Nagbigay ng ilang tips ang mabait at masipag na PHO upang maibsan ang matinding init ngayong summer season na pinalala pa ng El Niño.

Ilan sa mga beat the heat tips ay ang sumusunod:

1. Maligo ng dalawang beses isang araw kung kailangan lalo na kung sobrang lagkit ng katawan upang hindi mamahay ang mikrobyo sa katawan na dulot ng pagpapawis.

2. Huwag nang lumabas sa kainitan ng araw. Kung walang pasok o lakad, manatili sa loob ng bahay para makaiwas sa heat wave. Pinakamatindi ang sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang alas tre (3:00 pm) ng hapon.

3. Magdala ng payong, shades at pamaypay kung magbibiyahe papasok sa trabaho.

4. Stay fresh magsuot ng preskong damit, light-colored at yari sa cotton.

5. Uminom ng mas maraming tubig. Iwasan ang alcoholic at caffeinated drinks tulad ng alak at kape dahil nakakadagdag ito sa init ng araw.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.