EDITORIAL Bukas, Lunes, Mayo 13, 2019 ay boboto na tayong lahat na nasa hustong gulang o voting age. Natapos na ang pangangampanya...
EDITORIAL
Bukas, Lunes, Mayo 13, 2019 ay boboto na tayong lahat na nasa hustong gulang o voting age.
Natapos na ang pangangampanya ng lahat ng kandidatong naghahangad ng posisyon sa gobyerno.
Natapos na ang kanya-kanyang diskarte at gimik ng mga kandidato sa “panliligaw” at panunuyo sa mga botante.
Sana lang, manahimik na ang mga kandidato at maghintay na lang ng resulta.
Sana lang, sa mga huling sandal ay huwag na silang gumawa ng labag sa batas para lang masiguro ang panalo.
HUWAG MAMILI NG BOTO!
LUMABAN NANG PAREHAS!
Tanggapin kung anuman ang lalabas na kapasiyahan ng mga botante.
At sa lahat naman ng mga botante, piliin natin ang mga tunay na karapat-dapat mamuno – mahusay na ay matino pa. Iyong may character, may pananampalataya sa Diyos, mabuting tao, compassionate, at syempre may kaalaman at kakayahang mamuno. At hindi nauugnay o involved sa DROGA.
Huwag ibenta ang inyong BOTO. Huwag ibenta ang inyong DANGAL at ang MAGANDANG KINABUKASAN ng mga KABATAAN.
BUMOTO NANG TAMA.
HUWAG TANGGAPIN ang PERANG ibinibigay ng sinumang kandidato. Hindi tama ang sinasabi ng iba na, “Tanggapin ang pera, iboto ang gusto.” Kapag ganitp ang iyong ginawa, hindi ka lang basta MUKHANG PERA, kundi MANLOLOKO ka rin.