Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Handa kami para sa May 13 Polls – COMELEC

by LLEstrellado  LUCENA CITY – “Handang-handa po kami para sa ating midterm elections noong Mayo 13, 2019 araw ng Lunes. Lahat naman ay ...

by LLEstrellado 

LUCENA CITY – “Handang-handa po kami para sa ating midterm elections noong Mayo 13, 2019 araw ng Lunes. Lahat naman ay nailagay na sa ayos kaya walang dapat na ipag-alala an gating mga botante. Ang nararapat, magtungo po tayo sa ating mga itinakdang voting precinct nang maaga para maaga rin tayong makatapos.”

Ito ang ipinahayag ni Acting Provincial Election Supervisor Atty. Sheryl Moresca-Julie sa isang exclusive interview noong isang araw kaugnay ng halalan noong Mayo 13, 2019.

Ayon kay Moresca-Julie, handa ang lahat ng mga polling places at mga kailangan para sa eleksyon, kaya walang dapat na ipag-alala ang publiko.

Umaasa rin umano sila na magiging maayos at mapayapa ang halalan, walang magiging sagabal at lalabas ang tunay na pasiya ng mga botante.

“Lumabas po tayo at bumoto nang tama. Unahin na po natin ang pagboto nang maaga upang makatapos agad, at huwag nang maghintay ng wika nga ay mga “last few minutes” pa. Ang right to suffrage o iyong pagboto ay isang sagradong karapatan at tungkulin na rin ng bawa’t Pilipino. Kaya huwag natin iyang sayangin. Sa resulta nitong eleksyon nakasalakay ang magiging kinabukasan ng ating bayan, ng mga kabataan at ng mga susunod pang henerasyon,” pahayag at paalala ng masipag na Batangas Prov’l Elecion Officer.

Binanggit din ni Orense na ang Philippine National Police (PNP) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay handa na rin at nakikipagtulungan maging ang iba pang ahensya ng gobyerno upang masiguro ang kaayusan, kapayapaan at seguridad sa buong bansa sa pagdaraos ng midterm elections bukas.


“Bumoto po tayo nang tama. Lumabas tayo nang maaga. At tanggapin nang maluwag, lalo na ng mga kandidato, ang magiging resulta o hatol ng bayan,” patapos na paalala pa ni Atty. Candy Orense.

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.