Si Cong. Elect David “Jay jay” Suarez ng ikalawang Distrito matapos i-proklama ng board of canvassers sa COMELEC. by Ace Fernandez, ...
Si Cong. Elect David “Jay jay” Suarez ng ikalawang Distrito matapos i-proklama ng board of canvassers sa COMELEC. |
by Ace Fernandez, Lyndon Gonzales
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon – Sa katatapos na election 2019, ay iba’t iba ang naging
resulta sa hindi inaasahan ng ilang political observers sa Ikalawang Distrito
ng lalawigan ng Quezon tulad ng paglaki
ng agwat ng bilang ng boto sa kalaban o di kaya naman ay ang pagbabago
ng pamantayan ng pagpili ng mga botante sa kumakandidatong politiko.
Tulad halimbawa ng nangyari sa 2nd district sa tunggalian nina Gov. David “Jayjay” Suarez at dating DA Secretary Proceso “Procy” Alcala na di inaasahang lalamang ng malaking boto itong si Congressman Elect David “Jayjay” Suarez dahil itinuturing na balwarte ng mga Alcala ang nasabing distrito na mayroong 393,323 libong registered voters.
Tulad halimbawa ng nangyari sa 2nd district sa tunggalian nina Gov. David “Jayjay” Suarez at dating DA Secretary Proceso “Procy” Alcala na di inaasahang lalamang ng malaking boto itong si Congressman Elect David “Jayjay” Suarez dahil itinuturing na balwarte ng mga Alcala ang nasabing distrito na mayroong 393,323 libong registered voters.
Ayon kay Suarez,
masyadong minamaliit ng grupo ni dating DA Secretary Procy Alcala ang desisyon
niyang lumabang kinatawan ng ikawalang distrito subalit unti-unti aniyang
naunawaan ng mga mamamayan sa (5) bayan at isang lungsod ng 2nd
district ang kanyang Legislative Agenda at mga proyektong magbibigay ng mas higit na kaunlaran at
pagtaas ng pamumuhay na mamamayan.
Inihahalimbawa ni Congressman elect Jayjay
Suarez ang kamakailan lamang na ginanap
na ground breaking ng Steel Asia sa bayan ng Candelaria, Quezon na kung
saan magbibigay ito ng halos (2) dalawang libong trabaho sa ikalawang distrito
-- kaya naman kanya na umanong ihahanda ang sector ng paggawa (labor force) sa
lalawigan sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training ng mga ito sa mga
TESDA Affiliated TECHVOCS Schools upang
maging globally competitive ang mga manggagawa sa buong probinsiya. Nabanggit
rin ng bagong kinatawan na dahil sa
nalalapit na pagbubukas ng South Luzon Expressway extension ay magbubukas rin
ito ng mga investments sa 2nd District.
Isasagawa rin umano ang mga
pangunahing proyekto sa segunda distrito
tulad ng mga farm to market roads na kailangang kailangan umanong maiayos na dito
ay kakausapin niya ang mga elected officials upang malaman niya kung ano pa ang
mga priority projects na kailangang gawin sa kanilang pamayanan.
Bibigyang
halaga diumano ni Suarez ang mga infrastructure projects na vital sa
socio-economic development sa kanyang distrito na sa katunayan ika niya ay
kasama siya ni Pangulong Rodrigo Duterte pagpunta nito sa Japan upang
makipag-ugnayan sa mga negosyante ng nasabing bansa upang hikayatin ang mga ito
na mag-invest sa ating bansa particular sa segunda distrito.
Aniya “sisiguruhin
natin na makakapantay ang kaunlaran ng 2nd district sa mga lugar na
maunlad na kung ang pagbabatayan ay ang panlipunang reporma at paglago ng
negosyo at ekonomiya”. Nang tanungin ng mga media matapos na makapanumpa sa
Board of Canvassers itong si Suarez na kung ano sa tingin niya ang dahilan kung
bakit ibinoto siya ng mga taga 2nd district.
“Marahil nakita nila ang aking track record and performance as public
servant at wala rin akong record na masama sa loob ng (9) siyam na taong
paglilingkod bilang gobernador ng lalawigan kaya ito ang nakikita kong dahilan
kung bakit ako tinangkilik ng ating mga kababayan at nagpapasalamat ako sa
tiwala nila.” sabi ni Suarez.
Nasabi
pa ni Suarez na marami na umanong lumapit sa kanyang mga negosyante upang
magtayo ng logistics hubs, industrial parks at ang STI umano ay magpapatayo din
ng Training School na makatutulong sa paghahanda ng labor force sa mga darating
pang investments.