By Ruel Orinday, PIA-Quezon LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Mayo 24 (PIA)- Pormal na iprinoklama ng Lucena City Board of Canvassers noong Mayo ...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon, Mayo 24 (PIA)- Pormal na iprinoklama ng Lucena City Board of Canvassers noong Mayo 15 ang mga kandidatong nanalo sa May 13, 2019 elections.
Kabilang rito si incumbent mayor Roderick Alcala bilang mayor ng Lungsod ng Lucena matapos lumamang ng mas malaking boto sa kanyang kalaban na si dating mayor Ramon Talaga.
Ayon sa tala ng COMELEC Lucena City, si Alcala ay nakakuha ng boto na 89,134 na mas mataas kumpara kay Talaga na nakakuha ng kabooang boto na 37,557.
Iprinoklama rin bilang vice mayor si incumbent vice mayor Philip Castillo na nakakuha ng mas mataas na boto na 71,009 kumpara sa kalaban nito na si Bong Talabong na nakakuha ng kabuoang boto na 51,677.
Kasama ring iprinoklama ang sampung nanalong konsehal na pinapangunahan ni Third Alcala - 81,403; Danny Faller -74,525; Sunshine Abcede -69,761; Wilbert Noche- 68,152; Benito Brizuela - 65,648; Nilo Villapando - 64,384; Amer Lacerna - 63,375; Jose Christian Ona - 58,964; Ramil Talaga - 57,802; at Manong Nick Pedro - 57,018.
Ayon sa COMELEC, ang lungsod ng Lucena ay may registered voters na 163,736 at may 877 established precincts kung saan ay naging maayos at tahimik naman sa kabuoan ang idinaos na halalan.
Inaasahan naman ng mga mamamayan dito na ipagpapatuloy ng muling nanalong alkalde ang mga nasimulang proyekto at ang mga proyektong gagawin pa sa lungsod ng Lucena para sa kapakanan ng mga residente dito.